Psalmen 50 in verschiedenen Übersetzungen

Übersetzungen zum Vergleich auswählen

Übersetzung auswählen, um sie zur Liste hinzuzufügen; die Spalten folgen der Reihenfolge der Liste.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Deutsch

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Íslenska

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

한국어

हिन्दी

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Targum Onkelos (Etheridge)
  • Text-Critical English

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
50:0
ASD Awit na isinulat ni Asaf.
50:1
ASD Ang Panginoong Diyos na makapangyarihan ay nagsasalita at nananawagan sa lahat ng tao sa buong mundo.
50:2
ASD Nagliliwanag siya mula sa Zion, ang magandang lungsod na walang kapintasan.
50:3
ASD Darating ang Diyos at hindi lang siya basta mananahimik. Sa unahan niyaʼy may apoy na nagngangalit, at may bagyong ubod ng lakas sa kanyang paligid.
50:4
ASD Tinawag niya ang buong langit at mundo upang sumaksi sa paghatol niya sa kanyang mga mamamayan.
50:5
ASD Sinabi niya, “Tipunin sa aking harapan ang mga tapat kong pinili na nakipagkasundo sa akin sa pamamagitan ng paghahandog.”
50:6
ASD Inihahayag ng kalangitan na ang Diyos ay matuwid, dahil siya nga ang Diyos na may karapatang mamuno at humatol.
50:7
ASD Sinabi pa ng Diyos, “Kayong mga mamamayan ko, pakinggan ninyo ang aking sasabihin! Ako ang Diyos, na inyong Diyos. Sasaksi ako laban sa inyo, mga taga-Israel!
50:8
ASD Hindi dahil sa inyong mga sinusunog na handog na palagi ninyong iniaalay sa akin.
50:9
ASD Hindi ko kailangan ang inyong mga baka at mga kambing.
50:10
ASD Sapagkat akin ang lahat ng hayop: ang mga hayop sa gubat at ang mga baka sa libu-libong mga burol.
50:11
ASD Kilala ko rin ang lahat ng ibon sa mga bundok, at ang lahat ng hayop sa parang ay akin.
50:12
ASD Kung magutom man ako, hindi ako hihingi sa inyo ng pagkain, dahil ang daigdig at ang lahat ng nasa loob nito ay akin.
50:13
ASD Kumakain ba ako ng karne ng toro? Hindi! Umiinom ba ako ng dugo ng kambing? Hindi!
50:14
ASD “Ang kailangan kong handog ay ang inyong pasasalamat at ang pagtupad sa mga ipinangako ninyo sa akin na Kataas-taasang Diyos.
50:15
ASD Tumawag kayo sa akin sa oras ng inyong kagipitan. At ililigtas ko kayo at akoʼy pararangalan ninyo.”
50:16
ASD Ngunit sinabi ng Diyos sa mga masama, “Wala kayong karapatang banggitin ang aking mga kautusan at kasunduan!
50:17
ASD Namumuhi kayo sa aking pagdidisiplina. Hindi ninyo pinapansin ang mga sinasabi ko.
50:18
ASD Kapag nakakita kayo ng magnanakaw, nakikipagkaibigan kayo sa kanya at nakikisama rin kayo sa mga nakikiapid.
50:19
ASD Lagi kayong nagsasalita ng masama at kay dali para sa inyong magsinungaling.
50:20
ASD Handa kayong manira ng puri ng inyong mga kaanak, kahit ng sarili ninyong kapatid.
50:21
ASD Hindi ako kumibo nang gawin ninyo ang mga bagay na ito, kaya inakala ninyong katulad din ninyo ako. Ngunit sasawayin ko kayo at ipapakita ko sa inyo kung gaano kayo kasama.
50:22
ASD Pakinggan ninyo ito, kayong mga nakalimot sa Diyos, dahil kung hindi ay lilipulin ko kayo at walang makapagliligtas sa inyo.
50:23
ASD Ang naghahandog sa akin ng pasasalamat ay pinaparangalan ako at ang nag-iingat sa kanyang pag-uugali ay ililigtas ko.”