Joel 1 eri tõlgetes
Ang Salita ng Diyos
1:1
ASD
Ito ang salita ng Panginoon na ipinahayag niya kay Joel na anak ni Petuel.
1:2
ASD
Kayong mga tagapamahala ng Juda, makinig kayo; lahat ng nakatira sa lupaing ito, dinggin ninyo ang sasabihin ko. May nangyari na bang katulad nito sa panahon ninyo o sa panahon ng inyong mga ninuno?
1:3
ASD
Kailangang isalaysay ito sa bawat henerasyon ng inyong lahi.
1:4
ASD
Sunod-sunod na sumalakay ang mga pulutong ng balang. Ang mga naiwang tanim na hindi naubos ng unang pulutong ay kinain ng sumunod na pulutong hanggang sa naubos ang mga tanim.
1:5
ASD
Kayong mga lasenggo, bumangon kayo at umiyak nang malakas! Sapagkat wala na kayong maiinom; wala nang bunga ang mga ubas na gagawing alak.
1:6
ASD
Ang lupain ng Panginoon ay sinalakay ng napakaraming balang. Matatalas ang kanilang mga ngipin tulad ng mga pangil ng leon.
1:7
ASD
Sinira nila ang mga tanim na ubas ng Panginoon at ang kanyang mga puno ng igos. Nginatngat nila ang mga balat nito hanggang sa mamuti ang mga sanga.
1:8
ASD
Magluksa kayo katulad ng isang dalaga na nakadamit ng sako; umiiyak dahil namatayan ng mapapangasawa.
1:9
ASD
Sapagkat wala nang butil o inumin na maihahandog sa templo ng Panginoon, kaya nagluluksa ang mga paring naglilingkod sa kanya.
1:10
ASD
Nasalanta ang mga bukirin na parang taong nagdadalamhati. Nasira na ang mga trigo, at wala na ang katas ng ubas at langis.
1:11
ASD
Kayong mga magsasaka, dapat kayong malungkot! Kayong mga tagapangalaga ng ubasan, umiyak kayo nang malakas! Sapagkat nasira ang aanihing mga trigo at sebada.
1:12
ASD
Nalanta ang mga tanim na ubas at ang lahat ng puno, pati na ang mga igos, pomegranata, palma, at mansanas. Tuluyan nang nawala ang kaligayahan ng mga tao.
1:13
ASD
Kayong mga paring naglilingkod sa altar ng aking Diyos, magsuot kayo ng sako at pumunta sa templo at umiyak buong magdamag. Sapagkat wala nang butil o inumin na ihahandog sa templo ng inyong Diyos.
1:14
ASD
Sabihin ninyo sa mga tagapamahala ng Juda at sa lahat ng kanyang mamamayan na pumunta silang lahat sa templo ng Panginoon na inyong Diyos at mag-ayuno. Humingi sila ng tulong sa Panginoon.
1:15
ASD
Naku! Malapit na ang araw ng paghatol ng Panginoon. Darating ito mula sa Makapangyarihan at magdadala ng kapahamakan.
1:16
ASD
Nakita natin mismo kung paano tayo nawalan ng pagkain at kung paano nawala ang kagalakan sa Templo ng Diyos.
1:17
ASD
Namatay ang mga binhi sa tigang na lupa. At dahil natuyo ang mga butil, wala nang laman ang mga bodega, kaya nagiba na lamang ang mga ito.
1:18
ASD
Umaatungal ang kawan ng hayop dahil sa gutom. Gumagala ang mga baka na naghahanap ng makakain, pati ang mga tupa ay nagdurusa.
1:19
ASD
Panginoon, nananawagan po ako sa inyo, dahil natuyo na ang mga pastulan at ang lahat ng punongkahoy sa bukirin, na parang nilamon ng apoy.
1:20
ASD
Maging ang mga hayop sa gubat ay dumadaing sa inyo, dahil tuyong-tuyo na ang mga ilog at mga sapa, at tuyo na rin ang mga pastulan, na parang nilamon ng apoy.