1Ki 1 Mga Hari1. Kuninkaiden, kabanataluku Ang Unang Aklat ng Mga HariEnsimmäinen kuninkaiden kirja, kabanataluku 21

Käännökset

Ang Ubasan ni Nabot

May isang taong taga-Jezreel na ang pangalan ay Nabot. May taniman siya ng ubas sa Jezreel sa tabi ng palasyo ni Haring Ahab ng Samaria. 1Ki 18:45Isang araw, sinabi ni Ahab kay Nabot, “Dahil malapit sa palasyo ko ang taniman mo ng ubas, ibigay mo na lang iyan sa akin para gawin kong taniman ng mga gulay. At bilang kapalit, bibigyan kita ng mas magandang ubasan o kung gusto mo, babayaran kita sa nararapat na halaga nito.”Lev 25:14; Deu 11:10

Ngunit sumagot si Nabot, “Huwag sanang ipahintulot ng Panginoon na ibigay ko sa inyo ang minana ko sa aking mga ninuno.”Lev 25:23; Num 36:7; Ezk 46:18

Kaya umuwi si Ahab na malungkot at galit dahil sa sagot ni Nabot na hindi niya ibibigay ang lupaing minana niya mula sa kanyang mga ninuno. Nahiga si Ahab paharap sa dingding at ayaw kumain.

Pinuntahan siya ni Jezebel na kanyang asawa, at tinanong, “Bakit ka ba nalulungkot? Bakit ayaw mong kumain?”

Sumagot siya, “Sinabi ko kay Nabot na taga-Jezreel na bibilhin ko ang taniman niya ng ubas o kung gusto niya ay papalitan ko ito ng mas magandang ubasan, ngunit hindi siya pumayag.”

Sinabi ni Jezebel, “Hindi baʼt ikaw ang hari ng Israel? Bumangon ka at kumain! Magpakasaya ka dahil ibibigay ko sa iyo ang ubasan ni Nabot na taga-Jezreel.”Mat 6:24

Kaya sumulat si Jezebel sa pangalan ni Ahab, tinatakan niya ito ng tatak ng hari, at ipinadala sa mga tagapamahala at sa iba pang mga opisyal ng lungsod kung saan nakatira si Nabot. Ito ang mensahe ng kanyang sulat:

“Tipunin ninyo ang mga mamamayan upang mag-ayuno, at paupuin ninyo si Nabot sa unahan ng mga tao. Pagkatapos, paupuin ninyo sa harapan niya ang dalawang masamang tao upang paratangan siya na isinumpa niya ang Diyos at ang hari. Pagkatapos, dalhin ninyo siya sa labas ng lungsod at batuhin hanggang mamatay.”2Sa 19:21; Job 1:5

Ginawa ng mga tagapamahala at ng iba pang mga opisyal ang sinabi sa kanila ni Jezebel sa sulat. Tinipon nga nila ang mga mamamayan upang mag-ayuno at pinaupo nila si Nabot sa unahan ng mga ito. Pagkatapos, may dumating na dalawang masamang tao, umupo sa harapan ni Nabot, at pinaratangan nila ito sa harapan ng mga tao. Sinabi nila, “Isinumpa ni Nabot ang Diyos at ang hari.” Kaya dinala nila si Nabot sa labas ng lungsod, at binato hanggang mamatay. Psa 35:11; Mat 26:60; Lev 24:11; Lev 24:14Pagkatapos, sumulat sila kay Jezebel na binato nila si Nabot at patay na ito.

Nang malaman ni Jezebel na patay na si Nabot, sinabi niya kay Ahab, “Patay na si Nabot kaya lumakad ka at angkinin mo ang taniman niya ng ubas na itinanggi niyang ibenta sa iyo.” Job 24:6Pagkarinig ni Ahab na patay na si Nabot, umalis siya agad para angkinin ang ubasan ni Nabot.

Sinabi ng Panginoon kay Elias na taga-Tisbe, “Humayo kaʼt puntahan si Haring Ahab ng Israel, na nakatira sa Samaria. Naroon siya sa ubasan ni Nabot dahil gusto niya itong angkinin. Sabihin mo ito sa kanya: ‘Pagkatapos mong pumatay ng tao, aangkinin mo pa pati ang kanyang lupa? Dahil sa iyong ginawa, hihimurin ng mga aso ang dugo mo sa labas ng lungsod, tulad ng paghimod nila roon sa dugo ni Nabot.’ ”1Ki 22:38

Pagkakita ni Ahab kay Elias, sinabi niya, “Natagpuan din ako ng kaaway ko!”

Sumagot si Elias, “Oo, pumunta ako sa iyo dahil ipinagbili mo ang iyong sarili sa paggawa ng masama sa paningin ng Panginoon! 2Ki 17:17Kaya ito ang ipinasasabi ng Panginoon sa iyo: ‘Padadalhan kita ng kapahamakan. Papatayin ko ang lahat ng iyong angkan na lalaki, alipin man o hindi. 2Ki 9:8Lilipulin ko ang pamilya mo katulad ng ginawa ko sa pamilya ni Jeroboam na anak ni Nebat at sa pamilya ni Baasa na anak ni Ahias, dahil ginalit mo ako at ikaw ang naging dahilan ng pagkakasala ng mga Israelita.’1Ki 15:29

“At tungkol naman kay Jezebel, sinabi ng Panginoon, na kakainin siya ng mga aso sa may pader ng Jezreel.2Ki 9:36

“Ang mga kabilang sa pamilya mo na mamamatay sa lungsod ay kakainin ng mga aso, at ang mamamatay sa bukid ay kakainin ng mga ibon.”1Ki 14:11; 1Ki 16:4

(Wala nang ibang taong ipinagbili ang sarili sa paggawa ng masama sa paningin ng Panginoon, katulad ng ginawa ni Ahab dahil sinulsulan siya ni Jezebel na kanyang asawa. 1Ki 21:20Napakasama ng mga ginawa niya dahil sumamba siya sa mga diyos-diyosan, katulad ng ginawa ng mga Amoreo na pinalayas ng Panginoon sa mga Israelita.)Lev 26:30

Pagkarinig ni Ahab sa sinabi ni Elias, sinira niya ang kanyang damit at nagsuot ng sako, kahit sa pagtulog. Nag-ayuno siya at malungkot na nagpalakad-lakad.

Sinabi ng Panginoon kay Elias na taga-Tisbe, “Nakita mo ba kung papaano nagpakumbaba si Ahab ng kanyang sarili sa aking harapan? Dahil sa pagpapakumbaba niya, hindi ko na ipapadala ang kapahamakan sa panahon niya, kundi ipapadala ko ito sa pamilya ng kanyang anak kapag naghari na ito.”2Ch 12:7