1. Aikakirja 21 eri käännöksissä

Valitse vertailtavat käännökset

Valitse käännös lisätäksesi sen luetteloon; sarakkeet noudattavat luettelon järjestystä.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

한국어

हिन्दी

Suomi

  • Elävä uutinen

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Targum Onkelos (Etheridge)
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
21:1
ASD Inatake ni Satanas ang Israel, kaya inudyukan niya si David na ipasensus ang mga Israelita.
21:2
ASD Kaya sinabi ni David kay Joab at sa mga kumander ng mga sundalo, “Lumakad kayo at isensus ang mga Israelita mula sa Beer-seba hanggang sa Dan. Pagkatapos, bumalik kayo rito upang malaman ko kung ilan silang lahat.”
21:3
ASD Ngunit sumagot si Joab, “Paramihin sana ng Panginoon ng isang daang ulit ang inyong mga mamamayan. Ngunit, Mahal na Hari, bakit gusto nʼyong gawin ang bagay na ito? Hindi po ba mga sakop nʼyo naman sila? Bakit idadamay nʼyo ang Israel sa gagawin ninyong kasalanan?”
21:4
ASD Ngunit nanaig ang utos ng hari kay Joab, kaya umalis si Joab, nilibot ang buong Israel at bumalik agad sa Jerusalem.
21:5
ASD Sinabi niya kay David ang bilang ng mga lalaki na may kakayahang makipaglaban: 1,100,000 sa Israel at 470,000 sa Juda.
21:6
ASD Ngunit hindi isinama ni Joab sa pagbilang ang mga lahi nina Levi at Benjamin dahil masakit sa kalooban niya ang iniutos ng hari sa kanya.
21:7
ASD Hindi rin natuwa ang Diyos sa utos na ito kaya pinarusahan niya ang Israel.
21:8
ASD Pagkatapos, sinabi ni David sa Diyos, “Napakalaking kasalanan po itong nagawa ko. Kaya nakikiusap ako sa inyo, Panginoon, na patawarin nʼyo ako na inyong lingkod sa aking kasalanan, dahil isa pong kamangmangan ang ginawa ko.”
21:9
ASD Sinabi ng Panginoon kay Gad na propeta ni David,
21:10
ASD “Pumunta ka kay David at sabihin mo sa kanya, ‘Ito ang sinabi ng Panginoon: Magbibigay ako ng tatlong pagpipilian mo. Mamili ka ng isa kung alin ang gusto mong gawin ko saʼyo.’ ”
21:11
ASD Kaya pumunta si Gad kay David at sinabi sa kanya, “Ito ang sabi ng Panginoon: ‘Alin sa tatlong ito ang gusto mo:
21:12
ASD tatlong taong taggutom, tatlong buwang paglipol sa inyo ng mga kalaban ninyo o tatlong araw na salot mula sa Panginoon sa pamamagitan ng pagwasak ng anghel ng Panginoon sa buong lupain ng Israel.’ Magpasya ka at sabihin mo sa akin kung ano ang isasagot ko sa Panginoon na nagpadala sa akin.”
21:13
ASD Sumagot si David kay Gad, “Nahihirapan akong pumili. Mabuti pang ang Panginoon na lang ang magparusa sa akin kaysa sa mga kamay ng tao, dahil napakamaawain ng Panginoon.”
21:14
ASD Kaya nagpadala ang Panginoon ng salot sa Israel, at pitumpung libong Israelita ang namatay.
21:15
ASD At habang winawasak ng anghel ang Jerusalem, naawa ang Panginoon sa mga tao. Kaya sinabi niya sa anghel na lumilipol sa mga tao, “Tama na! Huwag mo na silang parusahan.” Nang oras na iyon, nakatayo ang anghel ng Panginoon sa may giikan ni Ornan na Jebuseo.
21:16
ASD Tumingala si David at nakita niya ang anghel ng Panginoon na nakatayo sa himpapawid, sa kalagitnaan ng langit at lupa. May hawak itong espada na nakaturo sa Jerusalem. Pagkatapos, nagpatirapa si David at ang mga tagapamahala ng Israel na nakasuot ng sako bilang pagpapakita ng kanilang pagdadalamhati.
21:17
ASD Sinabi ni David sa Diyos, “Ako po ang nag-utos na bilangin ang mga lalaki na may kakayahang makipaglaban. Ako po ang tanging nagkasala. Ang mga taong ito ay inosente na parang mga tupa. Wala silang nagawang kasalanan. O Panginoon na aking Diyos, ako na lang po at ang aking pamilya ang parusahan ninyo. Huwag nʼyo pong pahirapan ang inyong mga mamamayan sa salot na ito.”
21:18
ASD Pagkatapos, inutusan ng anghel ng Panginoon si Gad na sabihin kay David na pumunta siya sa giikan ni Ornan na Jebuseo, at gumawa roon ng altar para sa Panginoon.
21:19
ASD Kaya pumunta si David ayon sa utos ng Panginoon sa pamamagitan ni Gad.
21:20
ASD Nang panahong iyon, gumigiik ng trigo si Ornan at ang apat niyang anak na lalaki. Nang makita nila ang anghel ng Panginoon, tumakbo ang apat na anak ni Ornan at nagtago.
21:21
ASD Pagkatapos, nakita ni Ornan na paparating si David. Kaya umalis siya sa giikan at nagpatirapa sa harapan ni David.
21:22
ASD Sinabi ni David sa kanya, “Ipagbili mo sa akin ang giikan mo upang makapagpatayo ako ng altar para sa Panginoon, upang huminto na ang salot sa mga tao. Babayaran kita kung magkano ang halaga nito.”
21:23
ASD Sinabi ni Ornan kay David, “Sige po Mahal na Hari, kunin ninyo. Gawin nʼyo kung ano ang gusto ninyo. Bibigyan ko pa po kayo ng baka upang ialay bilang handog na sinusunog, mga tabla na ginagamit sa paggiik upang ipanggatong at trigo upang ihandog bilang pagpaparangal sa Panginoon. Ibibigay ko po itong lahat sa inyo.”
21:24
ASD Ngunit sumagot si Haring David kay Ornan, “Hindi ko ito tatanggapin nang libre. Babayaran kita kung magkano ang halaga nito. Hindi ko magagawang kunin ito sa iyo at ihandog sa Panginoon. Hindi ako mag-aalay ng handog na sinusunog na walang halaga sa akin.”
21:25
ASD Kaya binayaran ni David si Ornan ng animnaraang pirasong ginto para sa lupaing iyon.
21:26
ASD Pagkatapos, gumawa siya roon ng altar para sa Panginoon at nag-alay ng mga handog na sinusunog at ng mga handog pangkapayapaan. At sinagot siya ng Panginoon sa pamamagitan ng pagpapadala ng apoy mula sa langit upang sunugin ang mga handog sa altar.
21:27
ASD Pagkatapos, sinabi ng Panginoon sa anghel na ibalik na ang espada niya sa lalagyan nito.
21:28
ASD Nang makita ni David na sinagot ng Panginoon ang kanyang dalangin, nag-alay pa siya ng handog doon sa giikan ni Ornan na Jebuseo.
21:29
ASD Nang panahong iyon, ang Tolda ng Panginoon at ang altar para sa mga handog na sinusunog na ipinagawa ni Moises sa ilang ay nasa mataas na lugar sa Gibeon.
21:30
ASD Ngunit hindi pumunta roon si David upang magtanong sa Diyos, dahil natatakot siya sa espada ng anghel ng Panginoon.