Jeremiás 2 különböző fordításokban

Fordítások kiválasztása az összehasonlításhoz

Fordítás kiválasztásával felkerül a listára; az oszlopok a lista sorrendjét követik.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Magyar

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

한국어

हिन्दी

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Targum Onkelos (Etheridge)
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
2:1
ASD Sinabi sa akin ng Panginoon,
2:2
ASD “Puntahan mo ang mga taga-Jerusalem at sabihin mo ito sa kanila: “Ito ang sinasabi ng Panginoon: ‘Natatandaan ko ang katapatan at pagmamahal ninyo sa akin noon na katulad ng babaeng bagong kasal. Sumunod kayo sa akin kahit sa ilang na lupaing hindi tinamnan.
2:3
ASD Kayong mga Israelita ay ibinukod para sa akin. Kayo ang pinakaunang bunga na ibinigay sa akin. Pinarusahan ko ang mga nanakit sa inyo, at napahamak sila,’ wika ng Panginoon.”
2:4
ASD Pakinggan ninyo ang mensahe ng Panginoon, kayong mga mamamayan ng Israel na lahi ni Jacob.
2:5
ASD Ito ang sinabi ng Panginoon: “Anong kasalanan ang nakita ng mga ninuno ninyo sa akin na nagtulak sa kanila para lumayo? Sumusunod sila sa mga walang kuwentang diyos-diyosan, kaya sila rin ay nawalan ng kabuluhan.
2:6
ASD Hindi sila nagtanong, ‘Nasaan ang Panginoon, na naglabas sa amin mula sa Ehipto at nanguna sa amin sa ilang na walang tanim, ang lupang tuyo, may mga hukay, mapanganib at walang taong tumitira o dumadaan?’
2:7
ASD Mula rooʼy dinala ko sila sa masaganang lupain upang makinabang sa mayamang ani nito. Ngunit nang naroon na kayo, dinungisan nʼyo ang lupain ko at ginawa itong kasuklam-suklam.
2:8
ASD Kahit ang mga pari ay hindi nagtanong, ‘Nasaan ang Panginoon?’ Ang mga nagtuturo ng kautusan ay hindi ako kilala. Ang mga pinuno ay naghimagsik laban sa akin. At ang mga propetaʼy nagpropesiya sa pangalan ni Baal at sinayang nila ang kanilang panahon sa mga walang kuwentang diyos-diyosan.
2:9
ASD “Kaya susumbatan ko silang muli, pati ang magiging anak ng inyong mga anak,” sabi ng Panginoon.
2:10
ASD “Tumawid kayo sa kanluran, sa mga isla ng Kitim, at magsugo kayo ng magmamasid nang mabuti sa silangan, sa lupain ng Kedar, at tingnan kung may nangyaring katulad nito:
2:11
ASD May bansa bang nagpalit ng kanilang diyos, kahit na hindi ito mga tunay na diyos? Ngunit ako, ang dakilang Diyos, ay ipinagpalit ng aking mga mamamayan sa mga diyos na walang kabuluhan.
2:12
ASD Nangilabot ang buong kalawakan sa ginawa nila; at nayanig ito sa matinding pagkasindak,” wika ng Panginoon.
2:13
ASD “Gumawa ang mga mamamayan ko ng dalawang kasalanan: Itinakwil nila ako, ang bukal na nagbibigay-buhay, at sumamba sila sa ibang mga diyos, na para bang naghukay sila ng mga balon, mga wasak na tipunan na hindi nakakaipon ng tubig.
2:14
ASD Ang Israel ay hindi ipinanganak na alipin. Bakit binibiktima siya ng mga kaaway?
2:15
ASD Ang mga kaaway niya ay parang mga leon na umuungal sa kanya. Sinira nila ang kanyang lupain, sinunog ang mga bayan at pinabayaang nakatiwangwang.
2:16
ASD Ang mga taga-Memfis at mga taga-Tapanhes ang nagwasak sa kanya.
2:17
ASD Kayong na ring mga Israelita ang nagdala ng kapahamakang ito sa inyong mga sarili. Sapagkat itinakwil ninyo ako, ang Panginoon na inyong Diyos, akong pumatnubay sa paglalakbay ninyo.
2:18
ASD Ngayon, ano ang napala ninyo sa inyong paglapit sa Ehipto at Asiria? Bakit kayo pumupunta sa Ilog ng Nilo at umiinom ng tubig mula sa Ilog ng Eufrates?
2:19
ASD Parurusahan ko kayo dahil sa kasamaan at pagtakwil nʼyo sa akin. Isipin nʼyo kung gaano kasama at kapait ang ginawa nʼyong pagtakwil at paglapastangan sa Panginoon na inyong Diyos,” wika ng Makapangyarihang Panginoon.
2:20
ASD “Noong inalipin kayo, para kayong nakapamatok, o mga aliping nakakadena. Ngunit nang mapalaya ko na kayo, ayaw naman ninyong maglingkod sa akin. Sa halip, sumamba kayo sa mga diyos-diyosan sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng mga malalagong punongkahoy. Katulad kayo ng babaeng bayaran.
2:21
ASD Para kayong isang piling klase ng ubas na aking itinanim, na mula sa pinakamainam puno. Ngunit bakit lumabas kayong bulok at walang kabuluhang ubas?
2:22
ASD Maligo man kayo at magsabon nang magsabon, makikita ko pa rin ang dumi ng mga kasalanan ninyo,” wika ng Makapangyarihang Panginoon.
2:23
ASD “Paano nʼyo nasasabing hindi kayo nadumihan at hindi kayo sumamba kay Baal? Tingnan nʼyo kung anong kasalanan ang ginawa nʼyo sa lambak ng Hinom. Isipin nʼyo ang ginawa nʼyong kasalanan. Para kayong babaeng kamelyo na hindi mapalagay dahil naghahanap ng lalaki.
2:24
ASD Para rin kayong babaeng asnong-gubat na masidhi ang pagnanasa na magpakasta, sa tindi ng kanyang pagnanasa ay walang makakapigil sa kanya. Ang lalaking asno ay hindi na mahihirapang maghanap sa kanya. Madali siyang hanapin sa panahon ng pagpapakasta.
2:25
ASD Mga taga-Israel, napudpod na ang inyong mga sandalyas at natuyo na ang inyong mga lalamunan sa pagsunod sa ibang mga diyos. Ngunit sinasabi nʼyo, ‘Hindi namin maaaring itakwil ang ibang mga diyos. Mahal namin sila at susunod kami sa kanila.’
2:26
ASD “Tulad ng isang magnanakaw na napapahiya kapag nahuli, mapapahiya rin kayong mga taga-Israel. Talagang mapapahiya kayo, pati ang inyong mga hari, pinuno, pari, at mga propeta ninyo.
2:27
ASD Sinasabi ninyo sa imaheng kahoy, ‘Ikaw ang aking ama,’ at ang sa inukit na bato, ‘Ikaw ang aking ina.’ Itinakwil ninyo ako, pero kapag naghihirap kayo, humihingi kayo ng tulong sa akin.
2:28
ASD Bakit? Nasaan na ang mga diyos na ginawa ninyo para sa inyong sarili? Tawagin ninyo sila kung kaya nila kayong iligtas sa paghihirap ninyo. Sapagkat napakarami ninyong diyos, kasindami ng mga bayan sa Juda.
2:29
ASD “Bakit kayo nagrereklamo sa akin? Hindi baʼt kayo ang naghimagsik sa akin?” wika ng Panginoon.
2:30
ASD “Pinarusahan ko ang inyong mga anak, pero hindi sila nagbago. Ayaw nilang magpaturo. Kayo na rin ang pumatay sa inyong mga propeta gaya ng pagpatay ng mabangis at gutom na leon sa kanyang biktima.
2:31
ASD “Kayong mga mamamayan ng henerasyong ito, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon: Ako baʼy parang isang ilang para sa inyong mga taga-Israel, o kayaʼy parang isang lugar na napakadilim? Bakit ninyo sinasabing, ‘Bahala na kami sa gusto naming gawin. Ayaw na naming lumapit sa Diyos.’
2:32
ASD Makakalimutan ba ng isang dalaga ang kanyang mga alahas o ang damit niyang pangkasal? Ngunit kayong mga hinirang ko, matagal na ninyo akong kinalimutan.
2:33
ASD Magaling kayong humabol sa minamahal ninyong mga diyos-diyosan. Kahit ang mga babaeng bayaran ay matututo pa sa inyo.
2:34
ASD Ang inyong mga damit ay may mga bahid ng dugo ng mga taong walang kasalanan at mga dukha, kahit na hindi ninyo sila nahuling nagnakaw sa inyong mga bahay. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito,
2:35
ASD sinabi nʼyo pa rin, ‘Wala akong kasalanan. Hindi galit sa akin ang Panginoon!’ Ngunit talagang parurusahan ko kayo dahil sinabi ninyo, ‘Hindi ako nagkasala.’
2:36
ASD Pangkaraniwan lang sa inyo ang magpapalit-palit ng mga bansang kakampihan. Ngunit ipapahiya kayo ng Ehipto na inyong kakampi, gaya ng ginawa sa inyo ng Asiria.
2:37
ASD Aalis kayo sa Ehipto na nakatakip ang inyong kamay sa mukha dahil sa kahihiyan at pagdadalamhati. Sapagkat itinakwil na ng Panginoon ang mga bansang pinagkatiwalaan ninyo. Hindi na kayo matutulungan ng mga bansang iyon.”