Bilangan 2 dalam berbagai terjemahan
Ang Salita ng Diyos
2:1
ASD
Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,
2:2
ASD
“Magkakampo ang bawat lahi ng Israel sa ilalim ng kani-kanilang bandila, kasama ang sagisag ng kani-kanilang lipi. Kailangan nilang itayo ang mga tolda nila sa palibot ng Toldang Tipanan na nakaharap rito.”
2:3
ASD
Sa gawing Silangan, sa dakong sinisikatan ng araw, ang mga kabilang sa ilalim ng bandila ni Juda ay magkakampo ayon sa kani-kanilang pangkat. Ang pinuno ng lipi ni Juda ay si Naason na anak ni Aminadab.
2:4
ASD
Nasa 74,600 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:5
ASD
Ang magkakampo sa tabi niya ay ang tribo ni Isacar. Ang pinuno ng lipi ni Isacar ay si Netanel na anak ni Zuar.
2:6
ASD
Nasa 54,400 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:7
ASD
Kasunod niya ang tribo ni Zebulun, at ang kanilang pinuno ay si Eliab na anak ni Helon.
2:8
ASD
Nasa 57,400 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:9
ASD
Ang kabuuang bilang ng nasa ilalim ng bandila ni Juda ayon sa kani-kanilang pangkat ay 186,400. Sila ang mauuna kapag naglalakbay ang mga Israelita.
2:10
ASD
Sa gawing timog naman, ang mga kabilang sa ilalim ng bandila ni Ruben ay magkakampo ayon sa kani-kanilang pangkat. Ang pinuno ng lipi ni Ruben ay si Elizur na anak ni Sedeur.
2:11
ASD
Nasa 46,500 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:12
ASD
Ang magkakampo sa tabi niya ay ang tribo ni Simeon. Ang pinuno ng lipi ni Simeon ay si Selumiel na anak ni Zurishadai.
2:13
ASD
Nasa 59,300 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:14
ASD
Kasunod niya ang tribo ni Gad. Ang pinuno ng lipi ni Gad ay si Eliasaf na anak ni Deuel.
2:15
ASD
Nasa 45,650 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:16
ASD
Ang kabuuang bilang ng nasa ilalim ng bandila ni Ruben ay 151,450. Sila ang ikalawang pangkat kapag naglalakbay ang mga Israelita.
2:17
ASD
Maglalakbay ang mga Levita na dala ang Toldang Tipanan mula sa gitna ng kampo. Ang lahat ng lipi ay maglalakbay nang magkakasunod gaya ng kanilang posisyon kapag nagkakampo sila. Bawat lipi ay nasa ilalim ng kani-kanilang bandila.
2:18
ASD
Sa gawing kanluran, ang mga kabilang sa ilalim ng bandila ni Efraim ay magkakampo ayon sa kani-kanilang pangkat. Ang pinuno ng lipi ni Efraim ay si Elisama na anak ni Amihud.
2:19
ASD
Nasa 40,500 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:20
ASD
Ang magkakampo sa tabi niya ay ang tribo ni Manases. Ang pinuno ng lipi ni Manase ay si Gamaliel na anak ni Pedazur.
2:21
ASD
Nasa 32,200 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:22
ASD
Kasunod niya ang tribo ni Benjamin. Ang pinuno ng lipi ni Benjamin ay si Abidan na anak ni Gideoni.
2:23
ASD
Nasa 35,400 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:24
ASD
Ang kabuuang bilang ng nasa ilalim ng bandila ni Efraim ayon sa kani-kanilang pangkat ay 108,100. Sila ang ikatlong pangkat kapag naglalakbay ang mga Israelita.
2:25
ASD
Sa gawing hilaga, ang mga kabilang sa ilalim ng bandila ni Dan ay magkakampo ayon sa kani-kanilang pangkat. Ang pinuno ng lipi ni Dan ay si Ahiezer na anak ni Amishadai.
2:26
ASD
Nasa 62,700 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:27
ASD
Ang magkakampo sa tabi niya ay ang tribo ni Asher. Ang pinuno ng lipi ni Asher ay si Pagiel na anak ni Ocran.
2:28
ASD
Nasa 41,500 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:29
ASD
Kasunod niya ang tribo ni Neftali. Ang pinuno ng lipi ni Neftali ay si Ahira na anak ni Enan.
2:30
ASD
Nasa 53,400 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:31
ASD
Ang kabuuang bilang ng nasa ilalim ng bandila ni Dan ay 157,600. Sila ang kahuli-hulihang pangkat kapag naglalakbay ang mga Israelita.
2:32
ASD
Ang kabuuang bilang ng mga Israelita na naitala ayon sa kani-kanilang lipi ay 603,550 lahat.
2:33
ASD
Ngunit hindi kasama rito ang mga Levita, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
2:34
ASD
Kaya ginawa ng mga Israelita ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises. Ang bawat lahi ay nagkampo at naglakbay sa ilalim ng kani-kanilang bandila ayon sa kani-kanilang lahi at pamilya.