กันดารวิถี 2 ในหลายฉบับแปล

เลือกฉบับแปลที่จะเปรียบเทียบ

เลือกฉบับแปลเพื่อเพิ่มลงในรายการ คอลัมน์จะเรียงตามลำดับในรายการ

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

ไทย

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

한국어

हिन्दी

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
2:1
ASD Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,
2:2
ASD “Magkakampo ang bawat lahi ng Israel sa ilalim ng kani-kanilang bandila, kasama ang sagisag ng kani-kanilang lipi. Kailangan nilang itayo ang mga tolda nila sa palibot ng Toldang Tipanan na nakaharap rito.”
2:3
ASD Sa gawing Silangan, sa dakong sinisikatan ng araw, ang mga kabilang sa ilalim ng bandila ni Juda ay magkakampo ayon sa kani-kanilang pangkat. Ang pinuno ng lipi ni Juda ay si Naason na anak ni Aminadab.
2:4
ASD Nasa 74,600 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:5
ASD Ang magkakampo sa tabi niya ay ang tribo ni Isacar. Ang pinuno ng lipi ni Isacar ay si Netanel na anak ni Zuar.
2:6
ASD Nasa 54,400 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:7
ASD Kasunod niya ang tribo ni Zebulun, at ang kanilang pinuno ay si Eliab na anak ni Helon.
2:8
ASD Nasa 57,400 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:9
ASD Ang kabuuang bilang ng nasa ilalim ng bandila ni Juda ayon sa kani-kanilang pangkat ay 186,400. Sila ang mauuna kapag naglalakbay ang mga Israelita.
2:10
ASD Sa gawing timog naman, ang mga kabilang sa ilalim ng bandila ni Ruben ay magkakampo ayon sa kani-kanilang pangkat. Ang pinuno ng lipi ni Ruben ay si Elizur na anak ni Sedeur.
2:11
ASD Nasa 46,500 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:12
ASD Ang magkakampo sa tabi niya ay ang tribo ni Simeon. Ang pinuno ng lipi ni Simeon ay si Selumiel na anak ni Zurishadai.
2:13
ASD Nasa 59,300 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:14
ASD Kasunod niya ang tribo ni Gad. Ang pinuno ng lipi ni Gad ay si Eliasaf na anak ni Deuel.
2:15
ASD Nasa 45,650 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:16
ASD Ang kabuuang bilang ng nasa ilalim ng bandila ni Ruben ay 151,450. Sila ang ikalawang pangkat kapag naglalakbay ang mga Israelita.
2:17
ASD Maglalakbay ang mga Levita na dala ang Toldang Tipanan mula sa gitna ng kampo. Ang lahat ng lipi ay maglalakbay nang magkakasunod gaya ng kanilang posisyon kapag nagkakampo sila. Bawat lipi ay nasa ilalim ng kani-kanilang bandila.
2:18
ASD Sa gawing kanluran, ang mga kabilang sa ilalim ng bandila ni Efraim ay magkakampo ayon sa kani-kanilang pangkat. Ang pinuno ng lipi ni Efraim ay si Elisama na anak ni Amihud.
2:19
ASD Nasa 40,500 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:20
ASD Ang magkakampo sa tabi niya ay ang tribo ni Manases. Ang pinuno ng lipi ni Manase ay si Gamaliel na anak ni Pedazur.
2:21
ASD Nasa 32,200 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:22
ASD Kasunod niya ang tribo ni Benjamin. Ang pinuno ng lipi ni Benjamin ay si Abidan na anak ni Gideoni.
2:23
ASD Nasa 35,400 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:24
ASD Ang kabuuang bilang ng nasa ilalim ng bandila ni Efraim ayon sa kani-kanilang pangkat ay 108,100. Sila ang ikatlong pangkat kapag naglalakbay ang mga Israelita.
2:25
ASD Sa gawing hilaga, ang mga kabilang sa ilalim ng bandila ni Dan ay magkakampo ayon sa kani-kanilang pangkat. Ang pinuno ng lipi ni Dan ay si Ahiezer na anak ni Amishadai.
2:26
ASD Nasa 62,700 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:27
ASD Ang magkakampo sa tabi niya ay ang tribo ni Asher. Ang pinuno ng lipi ni Asher ay si Pagiel na anak ni Ocran.
2:28
ASD Nasa 41,500 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:29
ASD Kasunod niya ang tribo ni Neftali. Ang pinuno ng lipi ni Neftali ay si Ahira na anak ni Enan.
2:30
ASD Nasa 53,400 katao ang bilang ng kanyang pangkat.
2:31
ASD Ang kabuuang bilang ng nasa ilalim ng bandila ni Dan ay 157,600. Sila ang kahuli-hulihang pangkat kapag naglalakbay ang mga Israelita.
2:32
ASD Ang kabuuang bilang ng mga Israelita na naitala ayon sa kani-kanilang lipi ay 603,550 lahat.
2:33
ASD Ngunit hindi kasama rito ang mga Levita, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.
2:34
ASD Kaya ginawa ng mga Israelita ang lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises. Ang bawat lahi ay nagkampo at naglakbay sa ilalim ng kani-kanilang bandila ayon sa kani-kanilang lahi at pamilya.