Daniele 10:13–21 in diverse traduzioni
Ang Salita ng Diyos
10:13
ASD
Ngunit hindi ako nakarating agad dito dahil sa loob ng dalawampuʼt isang araw ay hinadlangan ako ng pinuno ng kaharian ng Persia. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Miguel na pinuno ng mga anghel dahil ako lang ang nakikipaglaban sa pinuno ng Persia.
10:14
ASD
Narito ako ngayon upang ipaliwanag sa iyo kung ano ang mangyayari sa iyong mga kababayang Israelita sa hinaharap, dahil ang iyong pangitain ay tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap.”
10:15
ASD
Habang nagsasalita siya sa akin, napayuko na lang ako at hindi nakapagsalita.
10:16
ASD
Hinipo ako sa bibig nitong parang tao, at nakapagsalita akong muli. Sinabi ko sa kanya na nakatayo sa aking harapan, “Ginoo, nabagabag po ako at nawalan ng lakas dahil sa pangitaing nakita ko.
10:17
ASD
Paano ako makikipag-usap sa inyo gayong wala na akong lakas at halos hindi na ako makahinga?”
10:18
ASD
Kaya muli niya akong hinipo at bumalik ang aking lakas.
10:19
ASD
Sinabi niya sa akin, “Ikaw na mahal ng Diyos, huwag kang matakot o mag-alala. Magpakalakas at magpakatatag ka.” Nang masabi niya ito sa akin, muli akong lumakas. Sinabi ko sa kanya, “Ituloy po ninyo ang pagsasalita, dahil pinalakas nʼyo na ako.”
10:20
ASD
Sumagot siya, “Kinakailangang bumalik ako sa pakikipaglaban sa pinuno ng Persia. Pagkatapos, darating naman ang pinuno ng Gresya. Ngunit alam mo ba kung bakit ako pumarito sa iyo?
10:21
ASD
Naparito ako upang ipaliwanag sa iyo ang nakasulat sa Aklat ng Katotohanan. (Sa aking pakikipaglaban, walang ibang tumulong sa akin kundi si Miguel lamang, ang pinuno ng Israel.)