Giacomo 4 in diverse traduzioni

Scegli le traduzioni da confrontare

Scegli una traduzione per aggiungerla all'elenco; le colonne seguono l'ordine dell'elenco.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Italiano

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Ἀρχαία Ἑλληνική

Српски / Srpski

Hrvatski

Eesti

Svenska

Magyar

Slovenčina

Suomi

Norsk bokmål

Íslenska

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Български

Tiếng Việt

Bahasa Indonesia

ไทย

한국어

हिन्दी

English

  • JPS Tanakh
  • Targum Onkelos (Etheridge)

Deutsch

  • Byzantinischer Text
Ang Salita ng Diyos
4:1
ASD Ano ba ang pinagmumulan ng mga pag-aaway at alitan ninyo? Hindi baʼt ang masasamang pagnanasa na naglalaban-laban sa puso ninyo?
4:2
ASD May mga ninanais kayo ngunit hindi ninyo makamtan, kaya handa kayong pumatay makuha lamang ang mga ito. May mga gusto kayong makuha at kapag hindi ito nangyari, nag-aaway-away kayo. Hindi ninyo nakakamtan ang mga ninanais ninyo dahil hindi kayo humihingi sa Diyos.
4:3
ASD At kung humihingi naman kayo, wala kayong natatanggap dahil humihingi kayo nang may masamang motibo para mapagbigyan ang sarili ninyong kasiyahan.
4:4
ASD Kayong mga hindi tapat sa Diyos, hindi ba ninyo alam na kaaway ng Diyos ang umiibig sa mundo? Kaya ang sinumang nagnanais makipagkaibigan sa mundo ay ginagawa niyang kaaway ng Diyos ang sarili niya.
4:5
ASD Huwag ninyong isipin na walang kabuluhan ang sinasabi ng Kasulatan, “Ayaw ng Espiritung pinatira sa atin na may kaagaw sa pag-ibig niya.”
4:6
ASD Ngunit sapat ang biyayang ibinigay ng Diyos. Kaya nga sinasabi ng Kasulatan: “Kinakalaban ng Diyos ang mga mapagmataas, ngunit kinakahabagan ang mapagpakumbaba.”
4:7
ASD Kaya magpasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayo ito sa inyo.
4:8
ASD Lumapit kayo sa Diyos at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin ninyo ang inyong puso.
4:9
ASD Magluksa kayo, tumangis, at umiyak. Gawing pagluha ang inyong halakhakan,at kalungkutan ang inyong kasiyahan.
4:10
ASD Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at itataas niya kayo.
4:11
ASD Mga kapatid, huwag ninyong siraan ang isaʼt isa. Ang naninira o humahatol sa kapatid niya ay nagsasalita laban sa Kautusan at humahatol sa Kautusan. At kung ikaw ang humahatol sa Kautusan, hindi ka na tagatupad nito kundi isa nang hukom.
4:12
ASD Ang Diyos lamang ang nagbigay ng Kautusan at siya rin ang hukom. Siya lamang ang may kakayahang magligtas at magparusa. Kaya sino ka upang husgahan ang kapwa mo?
4:13
ASD Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas, pupunta kami sa isang bayan. Mamamalagi kami roon nang isang taon, maghahanapbuhay, at kikita ng malaki.”
4:14
ASD Sa katunayan, hindi ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo bukas. Sapagkat ang buhay ay parang hamog na lilitaw nang sandali at mawawala pagkatapos.
4:15
ASD Kaya nga, ito ang dapat ninyong sabihin: “Kung loloobin ng Panginoon at mabubuhay pa tayo, ganito o kaya ganoon ang gagawin natin.”
4:16
ASD Ngunit sa ngayon, nagmamalaki at nagmamayabang kayo. Ang ganyang pagyayabang ay masama.
4:17
ASD Kung alam ng isang tao ang mabuti na dapat niyang gawin, ngunit hindi naman ginagawa, nagkakasala siya.