Geremia 14 in diverse traduzioni

Scegli le traduzioni da confrontare

Scegli una traduzione per aggiungerla all'elenco; le colonne seguono l'ordine dell'elenco.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Italiano

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

한국어

हिन्दी

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Targum Onkelos (Etheridge)
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
14:1
ASD Ito ang salita ng Panginoon na ipinahayag niya kay Jeremias tungkol sa mahabang tagtuyot:
14:2
ASD “Nagluluksa ang Juda; ang kanyang mga lungsod ay nanlulupaypay. Ang mga taoʼy nakaupo sa lupa at naghihinagpis, at maririnig ang iyak galing sa Jerusalem.
14:3
ASD Inutusan ng mayayaman ang kanilang mga alipin na umigib ng tubig. Pumunta sila sa mga balon ngunit hindi sila nakahanap ng tubig doon. Kaya bumalik silang walang laman ang mga lalagyan, at nagtakip ng mga ulo dahil sa matinding kahihiyan.
14:4
ASD Nabitak ang lupa dahil walang ulan. At dahil sa hinagpis, tinakpan ng mga magbubukid ang kanilang mga ulo.
14:5
ASD Kahit ang usa ay iniwanan ang anak niya na kasisilang pa lang dahil wala nang sariwang damo.
14:6
ASD Ang mga asnong-gubat ay tumatayo sa mga burol at humihingal na parang asong-gubat. Nanlalabo na ang kanilang paningin dahil sa kawalan ng pagkain.”
14:7
ASD Sinabi ng mga tao, “O Panginoon, nagkasala po kami sa inyo. Palagi kaming lumalayo sa inyo kaya dapat lang kaming parusahan. Ngunit tulungan po ninyo kami ngayon, alang-alang sa karangalan ng inyong pangalan.
14:8
ASD O Panginoon, kayo po ang tanging pag-asa ng Israel, ang Tagapagligtas niya sa panahon ng kaguluhan. Bakit parang naging dayuhan kayo rito sa amin? Bakit naging parang manlalakbay kayo na tumitigil lang ng isang gabi sa aming bansa?
14:9
ASD Katulad rin po ba kayo ng taong walang magagawa at sundalong walang kakayahang magligtas? Kasama namin kayo, O Panginoon, at kami ay inyong mga mamamayan, kaya huwag po ninyo kaming pababayaan.”
14:10
ASD Ito ang sagot ng Panginoon sa kanyang mga mamamayan: “Talagang gusto nilang lumayo sa akin; ang sarili lang nilang kagustuhan ang kanilang sinusunod. Kaya ayaw ko na silang tanggapin bilang aking mga mamamayan. Hindi ko makakalimutan ang inyong kasamaan at parurusahan ko kayo.”
14:11
ASD Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon, “Huwag kang mananalangin para sa kabutihan ng mga taong ito.
14:12
ASD Kahit mag-ayuno pa sila, hindi ko diringgin ang paghingi nila ng tulong sa akin. Kahit na maghandog pa sila ng mga handog na sinusunog at handog na pagpaparangal sa akin, hindi ko iyon tatanggapin. Sa halip, papatayin ko sila sa pamamagitan ng digmaan, gutom, at salot.”
14:13
ASD Ngunit sinabi ko, “O Makapangyarihang Panginoon, alam nʼyo po na laging sinasabi sa kanila ng mga propeta na wala raw digmaan o taggutom na darating dahil sinabi nʼyo raw na bibigyan nʼyo sila ng kapayapaan sa bansa nila.”
14:14
ASD Sumagot ang Panginoon, “Ang mga propetang iyan ay nanghuhula ng kasinungalingan sa pangalan ko. Hindi ko sila sinugo at hindi ako nagsalita sa kanila. Hindi galing sa akin ang mga pangitaing sinasabi nila sa inyo; walang kabuluhan at mga kathang-isip lang ang mga inihuhula nila.
14:15
ASD Kaya ako, ang Panginoon, ay nagsasabing, parurusahan ko ang mga sinungaling na propetang iyan. Nagsasalita sila sa pangalan ko kahit na hindi ko sila sinugo. Sinasabi nilang walang darating na digmaan o taggutom sa bansang ito, pero sa digmaan at taggutom sila mapapahamak.
14:16
ASD At tungkol naman sa mga taong naniniwala sa propesiya nila, ang mga bangkay nilaʼy itatapon sa mga lansangan ng Jerusalem. Mamamatay sila sa digmaan at taggutom. Walang maglilibing sa kanila, sa mga asawa nila, at sa mga anak nila. Papatawan ko sila ng parusang nararapat sa kanila.
14:17
ASD “Jeremias, sabihin mo ito sa mga tao: Araw-gabi, walang tigil ang pag-iyak ko dahil malubha ang sugat ng mga mamamayan ko na aking itinuturing na birheng anak, at totoong nasasaktan ako.
14:18
ASD Kung pupunta ako sa mga bukid at lungsod, nakikita ko ang mga bangkay ng mga namatay sa digmaan at taggutom. Ang mga propeta at pari ay patuloy sa gawain nila ngunit hindi nila alam kung ano ang ginagawa nila.”
14:19
ASD O Panginoon, talaga bang itinakwil nʼyo na ang Juda? Talaga bang galit po kayo sa Jerusalem? Bakit nʼyo po kami pinarusahan ng ganito at parang wala na kaming pag-asang gumaling? Umasa po kaming bibigyan nʼyo kami ng kapayapaan, pero hindi naman ito dumating. Umasa kaming mabigyan ng kapayapaan, subalit hindi ito dumating. Umasa kaming mapagaling sa aming karamdaman, ngunit takot ang aming naramdaman.
14:20
ASD O Panginoon, kinikilala namin ang aming kasamaan, pati ang kasalanan ng aming mga ninuno. Nagkasala po kami sa inyo.
14:21
ASD Huwag po ninyo kaming itakwil, alang-alang sa karangalan ng inyong pangalan. Huwag po ninyong ilagay sa kahihiyan ang marangal ninyong trono. Alalahanin po ninyo ang kasunduan ninyo sa amin. Nawaʼy huwag ninyo itong sirain.
14:22
ASD Wala ni isa sa mga walang kuwentang diyos-diyosan ng mga bansa ang makapagpapaulan o makapagpapaambon. Kahit ang langit mismo ay hindi makapagpapaulan. Kayo lamang, Panginoon na aming Diyos ang tanging makakagawa nito, kaya sa inyo po kami nagtitiwala.