ASD“ ‘Huwag kayong gagawa ng mga diyos-diyosang katulad ng mga inukit na imahen, mga alaalang bato, o batong may larawan para sambahin, dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos.
26:2
ASD“ ‘Sundin ninyo ang ipinapagawa ko sa inyo sa Araw ng Pamamahinga at igalang ninyo ang aking santuwaryo. Ako ang Panginoon.
26:3
ASD“ ‘Kung susundin ninyo ang aking mga tuntunin at mga utos,
26:4
ASDpauulanin ko sa inyong lugar sa tamang panahon para umani ng sagana ang lupain ninyo at mamunga ng marami ang mga punongkahoy.
26:5
ASDKaya gigiik kayo ng mga butil hanggang sa panahon ng pamimitas ng ubas, at ang pamimitas naman ng ubas ay magpapatuloy hanggang sa panahon ng paghahasik. Kaya magiging sagana kayo sa inyong pagkain at mamumuhay kayong payapa sa inyong lupain.
26:6
ASD“ ‘Bibigyan ko ng kapayapaan ang inyong lupain kaya makakatulog kayo nang walang kinatatakutan. Palalayasin ko ang mababangis na hayop sa inyong lugar, at walang kalaban na sasalakay sa inyo.
26:7
ASDKayo ang sasalakay sa inyong mga kalaban at papatayin ninyo sila.
26:8
ASDTatalunin ng lima sa inyo ang isang daan, at ang isang daan sa inyo ay tatalunin ang sampung libo.
26:9
ASD“ ‘Iingatan ko kayo at pararamihin para matupad ko ang aking pangako sa inyo.
26:10
ASDAt dahil sa kasaganaan ng inyong ani, ang inyong kakainin ay mula pa sa dati ninyong inani, na hindi pa nauubos sa lalagyan hanggang sa dumating ang bagong ani na papalit dito.
26:11
ASDManinirahan akong kasama ninyo at hindi ko kayo pababayaan.
26:12
ASDAkoʼy magiging kasama ninyo, at patuloy akong magiging Diyos ninyo, at patuloy kayong magiging mga mamamayan ko.
26:13
ASDAko ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto upang hindi na kayo alipinin ng mga taga-Egipto. Pinalaya ko na kayo, kaya wala na kayong dapat ikahiya.
26:14
ASD[26:14–15]“ ‘Ngunit kung hindi kayo makikinig sa akin, at hindi ninyo susundin ang aking mga utos at tuntunin, nilalabag ninyo ang kasunduan ko sa inyo.
26:15
ASD
26:16
ASDKaya ganito ang gagawin ko sa inyo. Bigla kayong masisindak sa takot dahil padadalhan ko kayo ng mga sakit na hindi gumagaling, at lagnat na magpapadilim ng inyong paningin at magpapahina ng inyong katawan. Magtatanim kayo, pero hindi rin ninyo pakikinabangan dahil sasalakayin kayo ng inyong mga kalaban at kukunin nila at kakainin ang inyong mga ani.
26:17
ASDPababayaan ko kayong matalo ng inyong mga kalaban, at kayoʼy sasakupin nitong mga napopoot sa inyo. At dahil sa takot ay tatakas kayo kahit walang humahabol sa inyo.
26:18
ASD“ ‘At kung hindi pa rin kayo makikinig sa akin, parurusahan ko kayo ng pitong beses.
26:19
ASDAalisin ko ang katigasan ng inyong ulo sa pamamagitan ng hindi pagpapadala ng ulan sa inyo, kaya matitigang ang inyong mga lupain.
26:20
ASDMawawalan ng kabuluhan ang inyong pagbabanat ng buto, dahil wala kayong aanihin sa inyong mga lupain at hindi rin mamumunga ang inyong mga punongkahoy.
26:21
ASD“ ‘At kung patuloy pa rin kayong hindi makikinig sa akin, dadagdagan ko pa ng pitong beses ang tindi ng parusa sa inyo.
26:22
ASDPadadalhan ko kayo ng mababangis na hayop at papatayin nila ang inyong mga anak at mga alagang hayop. At dahil dito, kakaunti na lang ang matitira sa inyo at iilan-ilan na lang ang makikitang naglalakad sa daan ninyo.
26:23
ASD“ ‘Kung hindi pa rin kayo makikinig at patuloy pa rin na susuway sa akin,
26:24
ASDako na ang makakalaban ninyo at parurusahan ko kayo ng pitong beses.
26:25
ASDIpapasalakay ko kayo sa inyong mga kalaban para parusahan kayo dahil sa inyong pagsuway sa kasunduan natin. Kahit na magtago kayo sa loob ng inyong lungsod, padadalhan ko pa rin kayo ng salot. At dahil dito, mapipilitan kayong sumuko sa inyong mga kalaban.
26:26
ASDKukulangin kayo ng pagkain, kaya iisang kalan ang paglulutuan ng tinapay ng sampung babae at iyon ay paghahati-hatian pa ninyo. Makakakain nga kayo pero hindi kayo mabubusog.
26:27
ASD“ ‘At kung hindi pa rin kayo makikinig at patuloy pang susuway sa akin,
26:28
ASDmagagalit na ako sa inyo at kakalabanin ko kayo, at parurusahan ko kayo ng pitong beses.
26:29
ASDMapipilitan kayong kumain ng sarili ninyong anak dahil sa gutom.
26:30
ASDWawasakin ko ang inyong mga sambahan sa matataas na lugar, pati na ang mga altar na sunugan ng insenso. Itatapon ko ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng mga diyos-diyosan ninyong walang buhay at itatakwil ko kayo.
26:31
ASDWawasakin ko ang inyong mga lungsod at mga sambahan. At hindi na ako malulugod sa samyo ng inyong mga handog.
26:32
ASDWawasakin ko ang inyong lupain at magtataka ang inyong mga kalaban na sasakop nito.
26:33
ASDPasasapitin ko sa inyo ang digmaan at pangangalatin ko kayo sa mga bansa. Mawawasak at magiging walang silbi ang inyong mga bayan at mga lungsod.
26:34
ASD[26:34–35]Habang bihag kayo ng inyong mga kalaban sa ibang lugar, makakapagpahinga na ang inyong lupain. Sapagkat noong nakatira pa kayo sa inyong lupain, hindi ninyo ito pinagpahinga kahit na sa panahon ng pagpapahinga ng inyong lupain. Ngunit ngayon ay makakapagpahinga na ito habang nasa ibang lugar kayo.
26:35
ASD
26:36
ASD[26:36–37]“ ‘Kayong mga natitirang buháy na binihag at dinala ng inyong mga kalaban sa kanilang lugar ay padadalhan ko ng labis na pagkatakot. At kahit na kaluskos lang ng dahon sa ihip ng hangin ay katatakutan ninyo, tatakas kayong parang hinahabol upang patayin, kahit walang humahabol sa inyo. At habang tumatakas kayo, magbabanggaan kayo at magkakandarapa. Hindi kayo makakalaban sa inyong mga kalaban.
ASDAt ang matitira sa inyoʼy unti-unting mamamatay dahil sa inyong mga kasalanan at sa mga kasalanan ng inyong mga ninuno.
26:40
ASD[26:40–41]“ ‘Dahil sa inyong pagtataksil at pagsuway sa akin, kinalaban ko kayo at ipinabihag sa inyong mga kalaban. Ngunit kung ipapahayag ninyo ang inyong mga kasalanan at ang kasalanan ng inyong mga ninuno, at titigilan na ang inyong pagmamatigas, at tatanggapin ang mga parusa para sa inyong mga kasalanan,
26:41
ASD
26:42
ASDtutuparin ko ang kasunduan ko sa inyong mga ninuno na sina Abraham, Isaac, at Jacob at ibabalik ko kayo sa inyong lupain.
26:43
ASDNgunit kinakailangang paalisin ko muna kayo sa inyong lupain bilang parusa sa inyong mga kasalanan dahil sa pagsuway ninyo sa aking mga utos at mga tuntunin. At para makapagpahinga ang lupain ninyo habang wala kayo roon.
26:44
ASDNgunit kahit na pinarurusahan ko kayo, hindi ko kayo itatakwil habang kayoʼy nasa lupain ng inyong mga kalaban. Hindi ko kayo lilipulin na walang matitira sa inyo. Sapagkat hindi ko maaaring sirain ang kasunduan ko sa inyo, dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos.
26:45
ASDTutuparin ko ang kasunduan ko sa inyong mga ninuno na inilabas ko sa Ehipto para maipakita ko sa mga bansa ang aking kapangyarihan. Ginawa ko ito sa inyong mga ninuno para maging Diyos nila ako. Ako ang Panginoon.’ ”
26:46
ASDIto ang mga utos at mga tuntuning ibinigay ng Panginoon sa mga Israelita roon sa Bundok ng Sinai sa pamamagitan ni Moises.
Parole di Cristo:Poiché Dio ha tanto amato il mondo
Le tue traduzioni sono l’insieme dell’ultimo confronto che hai aperto con «Confronta» o ricordato; finché non ce n’è uno, lo diventa il primo confronto aperto direttamente — da un segnalibro o da un link esterno al sito. Quando l’insieme comprende almeno due traduzioni e tutte contengono il passo, il confronto si apre senza il modulo di scelta.
Segna con una stella le traduzioni da tenere nei preferiti.
Carattere
Dimensione del testo
Nel principio era la Parola, la Parola era con Dio, e la Parola era Dio
I lettori compaiono senza clic e non si avviano da soli; una pagina con un video contatta subito youtube.com. Finché l'impostazione è attiva, i video vengono caricati da YouTube.
Carica i video da
Se YouTube non risponde, il video viene caricato dal server del sito quando lì è presente una copia.
Ripristina le impostazioni
Tutte le impostazioni torneranno ai valori predefiniti. Sei sicuro?