Salmi 121 in diverse traduzioni
Ang Salita ng Diyos
121:0
ASD
Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.
121:1
ASD
Napapatanaw ako sa mga bundok; saan kaya nanggagaling ang aking saklolo?
121:2
ASD
Ang tulong para sa akin ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at ng lupa.
121:3
ASD
Hindi niya papayagan na ikaw ay mabuwal. Siyang nag-iingat sa iyo ay hindi natutulog.
121:4
ASD
Pakinggan mo ito! Ang nag-iingat sa mga taga-Israel ay hindi umiidlip o natutulog.
121:5
ASD
Ang Panginoon ang nag-iingat sa iyo; siyaʼy kasama mo upang ikaw ay patnubayan.
121:6
ASD
Hindi makakasakit sa iyo ang init ng araw o ang liwanag ng buwan kung gabi.
121:7
ASD
Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan; pati ang buhay moʼy kanyang iingatan.
121:8
ASD
Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man, ngayon at magpakailanman.