Act행 Mga Gawa사도행전, kabanata장 Ang Mga Gawa ng mga Apostol사도행전, kabanata장 7

번역본

Ang Talumpati ni Esteban sa Sanhedrin

Tinanong ng punong pari si Esteban, “Totoo ba ang mga paratang saʼyo?”

Sumagot si Esteban, “Mga kapatid at mga magulang, pakinggan nʼyo po ako. Noong unang panahon, ang Diyos ng kaluwalhatian ay nagpakita sa ating ninunong si Abraham noong siyaʼy nasa Mesopotamia pa, bago siya lumipat sa Haran. Sinabi ng Diyos sa kanya, ‘Lisanin mo ang iyong lupain, ang iyong mga kamag-anak, at pumunta ka sa lugar na ipapakita ko sa iyo.’ ”7:3 Gen. 12:1.Gen 12:1; Neh 9:7

“Kaya nilisan ni Abraham ang lupain ng Caldeo at doon siya nanirahan sa Haran. Pagkamatay ng kanyang ama, pinapunta siya ng Diyos sa lupaing ito na tinitirhan natin ngayon. Noong panahong iyon, wala pang ipinamana ang Diyos sa kanya kahit na kapirasong lupa. Ngunit nangako ang Diyos na ibibigay niya ang lupaing ito sa kanya at sa kanyang magiging lahi, kahit na wala pa siyang anak noon. Sinabi rin ng Diyos sa kanya, ‘Maninirahan sa ibang bansa ang iyong lahi. Gagawin silang mga alipin doon at pagmamalupitan sa loob ng 400 taon. Gen 15:13; Exo 12:40; Gal 3:17Ngunit paparusahan ko ang bansang aalipin sa kanila. Pagkatapos, lilisanin nila ang bansang iyon at babalik sa lugar na ito, at sasambahin nila ako dito.’7:7 Gen. 15:13‑14. At bilang tanda ng kanilang kasunduan, iniutos ng Diyos kay Abraham na ang lahat ng lalaki ay dapat tuliin. Kaya nang isilang ang kanyang anak na si Isaac, tinuli niya ito nang walong araw na ang sanggol. Ganito rin ang ginawa ni Isaac sa kanyang anak na si Jacob. At ginawa rin ito ni Jacob sa kanyang labindalawang anak na mga ninuno nating mga Hudyo.”Gen 17:10; Gen 21:4; Gen 25:26; Gen 29:31; Gen 35:22

“Ang mga ninuno natin ay nainggit sa kapatid nilang si Jose, kaya ipinagbili siya para maging alipin sa Ehipto. Subalit kasama niya ang Diyos Gen 37:28; Psa 105:17na nagliligtas sa kanya sa lahat ng paghihirap na dinanas niya. Pinagkalooban siya ng Diyos ng karunungan, kaya nalugod sa kanya ang Faraon na hari ng Ehipto. Hinirang ng Faraon si Jose na maging gobernador ng buong Ehipto at tagapamahala ng buong sambahayan niya.”Gen 41:38; Gen 41:41

“Dumating ang panahon na nagkaroon ng taggutom sa buong Ehipto at Canaan. Hirap na hirap ang mga tao, at ang ating mga ninuno ay walang makunan ng pagkain. Nang mabalitaan ni Jacob na may pagkain sa Ehipto, pinapunta niya doon ang ating mga ninuno. Iyon ang una nilang pagpunta doon. Gen 42:1Sa pangalawang beses nilang pagpunta doon, nagpakilala na si Jose sa kanyang mga kapatid, at nakilala ni Faraon ang pamilya ni Jose. Gen 45:4Pagkatapos, ipinasundo ni Jose ang ama niyang si Jacob kasama ang kanyang buong pamilya. Pitumpuʼt limang katao silang lahat. Gen 46:27Kayaʼt pumunta si Jacob sa Ehipto, at doon siya namatay, pati na rin ang lahat ng kanyang mga anak na ating mga ninuno. Gen 46:5; Gen 49:33Dinala ang kanilang mga labí sa Shekem at inilibing sa libingang binili ni Abraham noon sa mga anak ni Hamor.”Gen 23:16; Gen 50:13; Jos 24:32

“Nang malapit nang matupad ang pangako ng Diyos kay Abraham, lalo pang dumami ang ating mga ninuno sa Ehipto, Exo 1:7; Psa 105:24hanggang sa nagkaroon ng bagong hari sa Ehipto na hindi nakakakilala kay Jose. Pinagsamantalahan at pinahirapan niya ang ating lahi. Pinilit niya silang itapon ang kanilang mga sanggol upang mamatay.

“Sa panahong iyon isinilang si Moises na isang batang kinalugdan ng Diyos. Inalagaan siya ng kanyang mga magulang sa kanilang bahay sa loob ng tatlong buwan. Exo 2:2; Heb 11:23At nang napilitan na silang iwan siya, kinuha siya ng anak na babae ng Faraon at pinalaking parang tunay niyang anak. Exo 2:5; Exo 2:10Tinuruan si Moises ng lahat ng kaalaman ng Ehipto, at naging makapangyarihan sa salita at sa gawa.

“Noong apatnapung taon na si Moises, naisipan niyang dalawin ang kanyang mga kababayang Israelita. Nakita niya ang isa sa kanila na pinagmamalupitan ng isang Ehipsiyo. Ipinagtanggol niya ito, at bilang paghihiganti, pinatay niya ang Ehipsiyo. Exo 2:12Sa ginawa niyang iyon, inakala niyang mauunawaan ng mga kapwa niya Israelita na siya ang gagamitin ng Diyos upang palayain sila. Ngunit hindi nila ito naunawaan. Kinabukasan, bumalik si Moises at nakita niya ang dalawang Israelitang nag-aaway. Gusto niyang pagkasunduin ang dalawa, kaya sinabi niya sa kanila, ‘Mga ginoo, magkalahi kayo. Bakit kayo nag-aaway?’ ”Exo 2:13

“Ngunit itinulak siya ng lalaking nananakit sa kapwa niya at sinabi, ‘Sino ang nagtalaga saʼyong maging pinuno at hukom namin? Papatayin mo rin ba ako tulad ng ginawa mo sa Ehipsiyo kahapon?’7:28 Exo. 2:14. Nang marinig ito ni Moises, tumakas siya at pumunta sa lupain ng Midian. Doon siya nanirahan bilang isang dayuhan at doon din isinilang ang dalawa niyang anak na lalaki.”

“Pagkalipas ng apatnapung taon, nagpakita ang isang anghel kay Moises sa isang nagliliyab na mababang punongkahoy habang siyaʼy nasa ilang, malapit sa Bundok ng Sinai. Exo 3:2Namangha si Moises sa kanyang nakita. Nang papalapit na siya para tingnan ito, narinig niya ang tinig ng Panginoon na nagsasabi, ‘Ako ang Diyos ng iyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob.’7:32 Exo. 3:6. Nanginig si Moises sa takot at hindi na nangahas pang tumingin.”

“Sinabi ng Panginoon sa kanya, ‘Tanggalin mo ang iyong sandalyas, dahil ang lugar na kinatatayuan mo ay sagradong lupa. Nakikita ko ang mga paghihirap na dinaranas ng aking bayan sa Ehipto, at naririnig ko rin ang kanilang mga hinaing. Kaya bumaba ako upang iligtas sila. Ngayon humanda ka, dahil isusugo kita sa Ehipto.’ ”7:34 Exo. 3:5, 7‑8, 10.

“Ito ang Moises na itinakwil noon ng mga kapwa niya Israelita na nagsabi, ‘Sino ang nagtalaga saʼyong maging pinuno at hukom?’ Ngunit siya ang isinugo ng Diyos na maging pinuno at tagapagligtas ng mga Israelita sa tulong ng anghel na nakita niya sa nagliliyab na mababang punongkahoy. Exo 3:10Si Moises ang nanguna sa mga Israelita palabas sa lupain ng Ehipto. Gumawa siya ng mga tanda at kababalaghan sa Ehipto, sa Dagat na Pula, at sa disyerto na kanilang dinaanan sa loob ng apatnapung taon.”

“Ito rin ang Moises na nagsabi sa mga Israelita, ‘Magtatalaga sa inyo ang Diyos ng isang propetang katulad ko mula sa lahi ninyo.’7:37 Deu. 18:15. Deu 18:15; Act 3:22Si Moises din ang kasama ng ating mga ninuno sa disyerto. Siya ang namagitan sa mga tao at sa anghel na nakipag-usap sa kanya sa Bundok ng Sinai; at doon niya tinanggap ang mga salitang nagbibigay-buhay upang ibigay sa atin.”Exo 19:3; Gal 3:19

“Subalit ayaw sumunod ng ating mga ninuno sa kanya. Sa halip, itinakwil nila siya, at gusto nilang bumalik sa Ehipto. Sinabi nila kay Aaron, ‘Ilikha mo kami ng diyos na mangunguna sa amin; sapagkat hindi na namin alam kung ano ang nangyari sa Moises na ʼyan na naglabas sa amin mula sa Ehipto.’7:40 Exo. 32:1. Exo 32:1Pagkatapos, gumawa sila ng diyos-diyosang kaanyo ng guya. Naghandog sila rito, at ipinagdiwang nila ang gawa ng sarili nilang mga kamay. Sa ginawa nilang iyon, tinalikuran sila ng Diyos at hinayaan silang sumamba sa mga bituin sa langit, tulad ng nakasulat sa aklat ng mga propeta:

‘Kayong mga Israelita, sa akin ba kayo nagbigay

ng mga alay na hayop at mga handog

sa loob ng apatnapung taon ninyo sa ilang?Deu 4:19; Jer 19:13

Hindi! Dala-dala pa ninyo ang tolda

ng inyong diyos-diyosan na si Molec,

at ang bituing imahen ng inyong diyos na si Refan.

Itoʼy mga diyos-diyosang ginawa ninyo para sambahin.

Kaya itatapon ko kayo nang mas malayo pa sa Babilonia.’7:43 Amos 5:25‑27. Ito ay hango sa saling Septuagint.”Amo 5:25

Sinabi pa ni Esteban, “Noong naroon pa ang ating mga ninuno sa disyerto, dala-dala nila ang Toldang Tipanan kung saan nila sinasamba ang Diyos. Ginawa ang toldang ito ayon sa utos ng Diyos kay Moises at sa planong ipinakita sa kanya. Exo 25:40; Heb 8:5Tinanggap ito ng ating mga ninuno na nasa pamumuno ni Josue. Dala-dala nila ito noong sakupin nila ang lupain ng mga bansang itinaboy ng Diyos mula sa kanilang harapan. Nanatili ito roon hanggang sa panahon ni David. Jos 3:14Nalugod ang Diyos kay David, at humingi si David ng pahintulot na magpatayo ng bahay para sa Diyos ni Jacob. 2Sa 7:2; Psa 132:5Ngunit hindi siya ang nagpatayo ng bahay para sa Diyos kundi si Solomon na anak niya.1Ki 6:1

“Subalit ang Kataas-taasang Diyos ay hindi naninirahan sa mga bahay na gawa ng tao. Katulad ng sinabi ng propeta,1Ki 8:27; Act 17:24

‘Ang langit ang aking trono,

at ang lupa ang aking apakan.

Anong uri ng bahay

ang gagawin nʼyo para sa akin?

sabi ng Panginoon.

Anong lugar ba ang mapagpapahingahan ko?

Hindi baʼt ako ang gumawa ng lahat ng bagay na ito?’7:50 Isa. 66:1‑2.”Isa 66:1

Sinabi ni Esteban, “Napakatigas ng ulo ninyo! Nagbibingi-bingihan kayo sa salita ng Diyos at ayaw nʼyong sumunod dito. Palagi ninyong kinakalaban ang Banal na Espiritu. Manang-mana kayo sa mga ninuno ninyo! Deu 9:13; Jer 6:10; Ezk 44:9Sino ba sa mga propeta ang hindi inusig ng mga ninuno ninyo? Pinatay pa nga nila ang mga nagpahayag tungkol sa pagdating ng Matuwid na Lingkod. At ngayong dumating na siya, kayo ang trumaydor at pumatay sa kanya. Mat 23:34; 1Th 2:15Kayo ang tumanggap ng Kautusang ibinigay ng mga anghel, ngunit hindi ninyo ito sinunod.”Deu 33:2; Gal 3:19

Ang Pagbato kay Esteban

Nang marinig iyon ng mga miyembro ng Sanhedrin, galit na galit sila kay Esteban at nagngalit pa ang kanilang mga ngipin. Ngunit si Esteban ay napuspos ng Banal na Espiritu. Tumingala siya sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos at si Hesus na nakatayo sa kanan ng Diyos. Act 6:5; Act 6:10Sinabi ni Esteban, “Tingnan ninyo! Nakikita kong bukas ang langit at nakatayo ang Anak ng Tao sa kanan ng Diyos!”

Kaya tinakpan nila ang kanilang mga tainga habang sumisigaw nang malakas, at sabay-sabay nilang sinugod si Esteban. Kinaladkad nila siya palabas ng lungsod at pinagbabato. Samantala, hinubad ng mga saksing laban kay Esteban ang kanilang balabal at iniwan sa paanan ng isang binatang ang pangalan ay Saulo.Act 22:20

Habang binabato nila si Esteban, nananalangin siya, “Panginoong Hesus, tanggapin nʼyo po ang aking espiritu.” Psa 31:5; Luk 23:46Pagkatapos, lumuhod siya at sumigaw nang malakas, “Panginoon, huwag nʼyo po silang papanagutin sa kasalanang ito!” At pagkasabi nitoʼy namatay siya.Mat 5:44; Luk 23:34; 1Co 4:12