여러 번역본으로 본 레위기 3

비교할 번역본 선택

번역본을 선택하면 목록에 추가되며, 열은 목록 순서대로 나열됩니다.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

한국어

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

हिन्दी

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
3:1
ASD “ ‘Kapag may mag-aalay ng hayop mula sa kawan bilang handog pangkapayapaan, kinakailangang ang iaalay niya sa harapan ng Panginoon ay isang hayop na walang kapintasan.
3:2
ASD Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng baka na ihahandog niya at pagkatapos, papatayin niya sa may pintuan ng Toldang Tipanan. At iwiwisik ng mga anak ni Aaron na mga pari ang dugo nito sa paligid ng altar.
3:3
ASD Mula sa handog pangkapayapaan, kukuha ang nag-alay ng bahagi na susunugin para sa Panginoon. Kukunin niya ang lahat ng taba na nasa loob ng tiyan at ang tabang nakadikit sa lamang-loob,
3:4
ASD ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.
3:5
ASD Ang mga itoʼy susunugin ng mga anak ni Aaron sa altar kasama ng handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.
3:6
ASD “ ‘Kung mag-aalay kayo sa Panginoon ng hayop mula sa kawan bilang handog pangkapayapaan, puwedeng lalaki ito o babae, ngunit wala dapat itong kapintasan.
3:7
ASD Kung mag-aalay kayo ng tupa sa Panginoon,
3:8
ASD ipapatong ninyo ang inyong kamay sa ulo ng tupa at papatayin ninyo ito sa harap ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo ng handog sa paligid ng altar.
3:9
ASD At mula sa handog pangkapayapaan na itoʼy kukuha kayo ng pagkaing handog na susunugin para sa Panginoon; ang mga taba, ang buntot na mataba na sagad sa gulugod ang pagkakaputol, ang lahat ng taba sa lamang-loob,
3:10
ASD ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.
3:11
ASD Ang lahat ng itoʼy susunugin ng pari sa altar bilang handog na pagkain. Itoʼy handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.
3:12
ASD “ ‘Kung mag-aalay naman kayo ng kambing, dadalhin ninyo ito sa harapan ng Panginoon;
3:13
ASD ipapatong ninyo ang inyong kamay sa ulo ng kambing at papatayin ninyo sa harap ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo nito sa palibot ng altar.
3:14
ASD Mula sa handog na ito, kukuha ang pari ng bahagi na susunugin niya para sa Panginoon. Kukunin niya ang lahat ng taba sa lamang-loob,
3:15
ASD ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.
3:16
ASD Susunugin ng pari ang mga ito sa altar bilang handog na pagkaing nakalulugod ang samyo. Ang lahat ng taba ay sa Panginoon.
3:17
ASD “ ‘Huwag kayong kakain ng taba o dugo. Panghabang-panahon ang tuntuning ito kahit saan kayo tumira, kayo at ang susunod pang mga henerasyon sa inyo.’ ”