3. Mose 3 in verschiedenen Übersetzungen
Ang Salita ng Diyos
3:1
ASD
“ ‘Kapag may mag-aalay ng hayop mula sa kawan bilang handog pangkapayapaan, kinakailangang ang iaalay niya sa harapan ng Panginoon ay isang hayop na walang kapintasan.
3:2
ASD
Ipapatong niya ang kanyang kamay sa ulo ng baka na ihahandog niya at pagkatapos, papatayin niya sa may pintuan ng Toldang Tipanan. At iwiwisik ng mga anak ni Aaron na mga pari ang dugo nito sa paligid ng altar.
3:3
ASD
Mula sa handog pangkapayapaan, kukuha ang nag-alay ng bahagi na susunugin para sa Panginoon. Kukunin niya ang lahat ng taba na nasa loob ng tiyan at ang tabang nakadikit sa lamang-loob,
3:4
ASD
ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.
3:5
ASD
Ang mga itoʼy susunugin ng mga anak ni Aaron sa altar kasama ng handog na sinusunog. Itoʼy handog na pagkaing nakalulugod ang samyo sa Panginoon.
3:6
ASD
“ ‘Kung mag-aalay kayo sa Panginoon ng hayop mula sa kawan bilang handog pangkapayapaan, puwedeng lalaki ito o babae, ngunit wala dapat itong kapintasan.
3:7
ASD
Kung mag-aalay kayo ng tupa sa Panginoon,
3:8
ASD
ipapatong ninyo ang inyong kamay sa ulo ng tupa at papatayin ninyo ito sa harap ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo ng handog sa paligid ng altar.
3:9
ASD
At mula sa handog pangkapayapaan na itoʼy kukuha kayo ng pagkaing handog na susunugin para sa Panginoon; ang mga taba, ang buntot na mataba na sagad sa gulugod ang pagkakaputol, ang lahat ng taba sa lamang-loob,
3:10
ASD
ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.
3:11
ASD
Ang lahat ng itoʼy susunugin ng pari sa altar bilang handog na pagkain. Itoʼy handog sa pamamagitan ng apoy para sa Panginoon.
3:12
ASD
“ ‘Kung mag-aalay naman kayo ng kambing, dadalhin ninyo ito sa harapan ng Panginoon;
3:13
ASD
ipapatong ninyo ang inyong kamay sa ulo ng kambing at papatayin ninyo sa harap ng Toldang Tipanan. Pagkatapos, iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo nito sa palibot ng altar.
3:14
ASD
Mula sa handog na ito, kukuha ang pari ng bahagi na susunugin niya para sa Panginoon. Kukunin niya ang lahat ng taba sa lamang-loob,
3:15
ASD
ang mga bato at ang taba nito, pati na ang maliit na bahagi ng atay.
3:16
ASD
Susunugin ng pari ang mga ito sa altar bilang handog na pagkaing nakalulugod ang samyo. Ang lahat ng taba ay sa Panginoon.
3:17
ASD
“ ‘Huwag kayong kakain ng taba o dugo. Panghabang-panahon ang tuntuning ito kahit saan kayo tumira, kayo at ang susunod pang mga henerasyon sa inyo.’ ”