여러 번역본으로 본 잠언 6

비교할 번역본 선택

번역본을 선택하면 목록에 추가되며, 열은 목록 순서대로 나열됩니다.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

한국어

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

हिन्दी

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Targum Onkelos (Etheridge)
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
6:1
ASD Anak, kung nangako kang panagutan ang pagkakautang ng iba, kung nakipagkasundo ka sa isang hindi mo kilala,
6:2
ASD kung ikaw ay naipit sa iyong mga sinabi at nabitag ng iyong mga salita,
6:3
ASD ito ang gawin mo upang ikaw ay lumaya dahil tuluyan ka nang nahulog sa kamay ng iyong kapwa: Puntahan mo siya at ikaw ay magpakumbaba, pakiusapan mo siya hanggang sa palayain ka.
6:4
ASD Huwag mo nang ipagpaliban, gawin mo na ngayon. Huwag mong hayaang ikaʼy makatulog.
6:5
ASD Palayain mo ang iyong sarili tulad ng isang ibon o usa na nakawala sa bitag ng isang mangangaso.
6:6
ASD Kayong mga tamad, tingnan ninyo at pag-aralan ang pamumuhay ng mga langgam upang matuto kayo sa kanila.
6:7
ASD Kahit na walang namumuno at nag-uutos sa kanila,
6:8
ASD nag-iipon sila ng pagkain kapag tag-araw at panahon ng anihan, upang may makain sila pagdating ng tag-ulan.
6:9
ASD Kayong mga tamad, hanggang kailan kayo mahihiga dʼyan? Kailan kayo babangon mula sa inyong pagtulog?
6:10
ASD Kaunting tulog, kaunting pahinga at ang paminsan-minsang paghalukipkip ng mga kamay,
6:11
ASD at hindi ninyo mamamalayang darating ang kahirapan na para kayong ninakawan ng tulisan.
6:12
ASD Ang taong walang kuwenta at masama ay puro kasinungalingan ang sinasabi.
6:13
ASD Kumikindat at sumisenyas siya gamit ang kanyang mga kamay at paa.
6:14
ASD Ang puso niya ay puno ng pandaraya, laging nagbabalak na gumawa ng masama at sa mga gulo siya ang nagpapasimula.
6:15
ASD Kaya biglang darating sa kanya ang kapahamakan at hindi na siya matutulungan.
6:16
ASD May anim na bagay na kinamumuhian ang Panginoon, pito na kinasusuklaman niya:
6:17
ASD mapagmataas na mga mata, sinungaling na dila, mga kamay na pumapatay sa mga walang sala,
6:18
ASD pusong nagbabalak ng masasamang pakana, mga paang sumusugod sa paggawa ng masama,
6:19
ASD bulaang saksi na puno ng kasinungalingan, at taong nag-uudyok ng gulo sa angkan.
6:20
ASD Anak, sundin mo ang itinuturo at iniuutos ng iyong mga magulang.
6:21
ASD Itanim mo ito sa iyong isipan upang hindi mo makalimutan.
6:22
ASD Ito ang papatnubay, mag-iingat at magpapaalala sa iyong pamumuhay, kahit ano pa ang iyong ginagawa.
6:23
ASD Sapagkat ang mga turo at utos ng iyong mga magulang ay katulad ng isang ilaw na tatanglaw sa iyo. At ang kanilang pagsaway sa iyo upang ituwid ang ugali mo ay ikabubuti at ikahahaba ng buhay mo.
6:24
ASD Ilalayo ka rin nito sa masamang babaeng nakakaakit ang pananalita.
6:25
ASD Huwag kang magnanasa sa kanyang kagandahan. Huwag kang patutukso sa kanyang pang-aakit.
6:26
ASD Ang pakikipagsiping sa babaeng bayaran ay puwedeng bayaran sa halaga ng tinapay, ngunit ang pakikipagsiping sa asawa ng iba ay pagbabayaran mo ng iyong buhay.
6:27
ASD Kung maglalaro ka ng apoy sa iyong kandungan tiyak na masusunog ang damit mo.
6:28
ASD At kung tatapak ka sa baga, mapapaso ang mga paa mo.
6:29
ASD Kaya kung mayroong sumiping sa asawa ng iba, ang sinumang humawak sa kanya ay tiyak ang parusa.
6:30
ASD Hindi hinahamak ng tao ang magnanakaw kung ginagawa niya iyon upang maibsan ang kanyang gutom.
6:31
ASD Subalit, sa sandaling siyaʼy mahuli, pitong ulit siyang magbabayad, kahit na maubos pa ang lahat ng kayamanan niya.
6:32
ASD Ang taong nangangalunya ay salat sa karunungan. Ang kanyang sariliʼy dinadala sa kapahamakan.
6:33
ASD Masasaktan at mapapahiya siya at hindi maaalis habambuhay ang kahihiyan niya.
6:34
ASD Sapagkat ang asawang seloso ay labis kung magalit at maghihiganti siya nang walang awa.
6:35
ASD Kahit magkano pa ang ibayad, hindi niya ito tatanggapin.