Proverbios 6 en diferentes traducciones
Ang Salita ng Diyos
6:1
ASD
Anak, kung nangako kang panagutan ang pagkakautang ng iba, kung nakipagkasundo ka sa isang hindi mo kilala,
6:2
ASD
kung ikaw ay naipit sa iyong mga sinabi at nabitag ng iyong mga salita,
6:3
ASD
ito ang gawin mo upang ikaw ay lumaya dahil tuluyan ka nang nahulog sa kamay ng iyong kapwa: Puntahan mo siya at ikaw ay magpakumbaba, pakiusapan mo siya hanggang sa palayain ka.
6:4
ASD
Huwag mo nang ipagpaliban, gawin mo na ngayon. Huwag mong hayaang ikaʼy makatulog.
6:5
ASD
Palayain mo ang iyong sarili tulad ng isang ibon o usa na nakawala sa bitag ng isang mangangaso.
6:6
ASD
Kayong mga tamad, tingnan ninyo at pag-aralan ang pamumuhay ng mga langgam upang matuto kayo sa kanila.
6:7
ASD
Kahit na walang namumuno at nag-uutos sa kanila,
6:8
ASD
nag-iipon sila ng pagkain kapag tag-araw at panahon ng anihan, upang may makain sila pagdating ng tag-ulan.
6:9
ASD
Kayong mga tamad, hanggang kailan kayo mahihiga dʼyan? Kailan kayo babangon mula sa inyong pagtulog?
6:10
ASD
Kaunting tulog, kaunting pahinga at ang paminsan-minsang paghalukipkip ng mga kamay,
6:11
ASD
at hindi ninyo mamamalayang darating ang kahirapan na para kayong ninakawan ng tulisan.
6:12
ASD
Ang taong walang kuwenta at masama ay puro kasinungalingan ang sinasabi.
6:13
ASD
Kumikindat at sumisenyas siya gamit ang kanyang mga kamay at paa.
6:14
ASD
Ang puso niya ay puno ng pandaraya, laging nagbabalak na gumawa ng masama at sa mga gulo siya ang nagpapasimula.
6:15
ASD
Kaya biglang darating sa kanya ang kapahamakan at hindi na siya matutulungan.
6:16
ASD
May anim na bagay na kinamumuhian ang Panginoon, pito na kinasusuklaman niya:
6:17
ASD
mapagmataas na mga mata, sinungaling na dila, mga kamay na pumapatay sa mga walang sala,
6:18
ASD
pusong nagbabalak ng masasamang pakana, mga paang sumusugod sa paggawa ng masama,
6:19
ASD
bulaang saksi na puno ng kasinungalingan, at taong nag-uudyok ng gulo sa angkan.
6:20
ASD
Anak, sundin mo ang itinuturo at iniuutos ng iyong mga magulang.
6:21
ASD
Itanim mo ito sa iyong isipan upang hindi mo makalimutan.
6:22
ASD
Ito ang papatnubay, mag-iingat at magpapaalala sa iyong pamumuhay, kahit ano pa ang iyong ginagawa.
6:23
ASD
Sapagkat ang mga turo at utos ng iyong mga magulang ay katulad ng isang ilaw na tatanglaw sa iyo. At ang kanilang pagsaway sa iyo upang ituwid ang ugali mo ay ikabubuti at ikahahaba ng buhay mo.
6:24
ASD
Ilalayo ka rin nito sa masamang babaeng nakakaakit ang pananalita.
6:25
ASD
Huwag kang magnanasa sa kanyang kagandahan. Huwag kang patutukso sa kanyang pang-aakit.
6:26
ASD
Ang pakikipagsiping sa babaeng bayaran ay puwedeng bayaran sa halaga ng tinapay, ngunit ang pakikipagsiping sa asawa ng iba ay pagbabayaran mo ng iyong buhay.
6:27
ASD
Kung maglalaro ka ng apoy sa iyong kandungan tiyak na masusunog ang damit mo.
6:28
ASD
At kung tatapak ka sa baga, mapapaso ang mga paa mo.
6:29
ASD
Kaya kung mayroong sumiping sa asawa ng iba, ang sinumang humawak sa kanya ay tiyak ang parusa.
6:30
ASD
Hindi hinahamak ng tao ang magnanakaw kung ginagawa niya iyon upang maibsan ang kanyang gutom.
6:31
ASD
Subalit, sa sandaling siyaʼy mahuli, pitong ulit siyang magbabayad, kahit na maubos pa ang lahat ng kayamanan niya.
6:32
ASD
Ang taong nangangalunya ay salat sa karunungan. Ang kanyang sariliʼy dinadala sa kapahamakan.
6:33
ASD
Masasaktan at mapapahiya siya at hindi maaalis habambuhay ang kahihiyan niya.
6:34
ASD
Sapagkat ang asawang seloso ay labis kung magalit at maghihiganti siya nang walang awa.
6:35
ASD
Kahit magkano pa ang ibayad, hindi niya ito tatanggapin.