여러 번역본으로 본 시편 13
Ang Salita ng Diyos
13:0
ASD
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.
13:1
ASD
Hanggang kailan Panginoon? Habambuhay ba ninyo akong kalilimutan? Hanggang kailan ninyo ako tatalikuran?
13:2
ASD
Hanggang kailan ko dadalhin itong aking mga pangamba? Ang kalungkutan sa puso ko, kailan ito mawawala? Hanggang kailan ba ako matatalo ng aking mga kaaway?
13:3
ASD
Panginoon kong Diyos, bigyan nʼyo ako ng pansin; sagutin nʼyo ang aking dalangin. Ibalik po ninyo ang ningning sa aking mga mata, upang hindi ako mamatay
13:4
ASD
at upang hindi masabi ng aking mga kaaway na natalo nila ako, sapagkat tiyak na silaʼy magagalak kung akoʼy mapahamak.
13:5
ASD [13:5–6]
5Panginoon, naniniwala po ako na akoʼy inyong mahal. Nagagalak ang puso ko dahil sa pagliligtas ninyo. 6Panginoon, aawitan kita dahil napakabuti nʼyo sa akin mula pa noon.
13:6
ASD