여러 번역본으로 본 시편 9

비교할 번역본 선택

번역본을 선택하면 목록에 추가되며, 열은 목록 순서대로 나열됩니다.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

한국어

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Íslenska

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

हिन्दी

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Targum Onkelos (Etheridge)
  • Text-Critical English

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
9:0
ASD Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David ayon sa tono ng awiting, “Ang Pagkamatay ng Anak.”
9:1
ASD Panginoon, buong puso kitang pasasalamatan. Ilalahad ko ang lahat ng inyong ginawang kahanga-hanga.
9:2
ASD Dahil sa inyo, Kataas-taasang Diyos akoʼy magsasaya. Magagalak ako at aawit ng mga papuri para sa inyo. Aawit ako ng mga papuri para sa inyo.
9:3
ASD Kapag kayoʼy nagpapakita sa aking mga kaaway, natatakot sila at umaatras; tumatakas sila at nadadapa, at sa inyong harapan silaʼy namamatay.
9:4
ASD Nakaupo kayo sa inyong trono bilang matuwid na hukom. Noong akoʼy inyong hinatulan, napatunayan nʼyong wala akong kasalanan.
9:5
ASD Hinatulan nʼyo at nilipol ang mga bansang masasamâ, kaya hindi na sila maaalala magpakailanman.
9:6
ASD Tuluyan nang nawala ang aking mga kaaway; sila ay lubusang nawasak. Giniba nʼyo rin ang kanilang mga bayan, at silaʼy lubusan nang makakalimutan.
9:7
ASD Ngunit kayo, Panginoon ay maghahari magpakailanman. At handa na ang inyong trono para sa paghatol.
9:8
ASD Matuwid ninyong pinamumunuan ang sangkatauhan, silaʼy inyong hinahatulan nang walang pagkiling kaninuman.
9:9
ASD Panginoon, kayo ang kanlungan ng mga inaapi, at kublihan sa panahon ng kahirapan.
9:10
ASD Sa inyo nagtitiwala ang nakakakilala sa inyo, dahil hindi nʼyo itinatakwil ang mga lumalapit sa inyo.
9:11
ASD Magsiawit kayo ng papuri sa Panginoon na hari ng Jerusalem! Ihayag ninyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa!
9:12
ASD Hindi niya nakakalimutan ang panawagan ng mga pinahihirapan; pinaghihigantihan niya ang mga nagpapahirap sa kanila.
9:13
ASD Panginoon, tingnan nʼyo po ang pagpapahirap sa akin ng aking mga kaaway. Maawa kayo sa akin, at iligtas nʼyo ako sa bingit ng kamatayan,
9:14
ASD upang masabi ko sa lahat ng tao sa pintuan ng Zion, ang inyong mga ginawa, at akoʼy magagalak at magpupuri dahil sa inyong pagliligtas.
9:15
ASD Nangyari mismo sa kanilang bansa ang binalak nilang masama. Sila mismo ang nahulog sa sarili nilang bitag.
9:16
ASD Kilala ang Panginoon sa kanyang mga gawang matuwid. Ang masasamaʼy napahamak, dahil rin sa kanilang masamang gawa.
9:17
ASD Kamatayan ang hahantungan ng mga masasama. Ang mga lilimot sa Diyos, ganyan ang kahihinatnan nila.
9:18
ASD Ang mga dukha ay hindi laging pababayaan, at ang pag-asa ng mga mahihirap ay hindi na mawawala kailanman.
9:19
ASD O Panginoon, huwag nʼyong pabayaang manaig ang kakayahan ng mga tao; tipunin nʼyo sa inyong presensya at hatulan ang mga taong hindi kumikilala sa inyo.
9:20
ASD Turuan nʼyo silang matakot Panginoon, at nang malaman nilang silaʼy mga tao lamang.