Mezmurlar 9 farklı çevirilerde
Ang Salita ng Diyos
9:0
ASD
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David ayon sa tono ng awiting, “Ang Pagkamatay ng Anak.”
9:1
ASD
Panginoon, buong puso kitang pasasalamatan. Ilalahad ko ang lahat ng inyong ginawang kahanga-hanga.
9:2
ASD
Dahil sa inyo, Kataas-taasang Diyos akoʼy magsasaya. Magagalak ako at aawit ng mga papuri para sa inyo. Aawit ako ng mga papuri para sa inyo.
9:3
ASD
Kapag kayoʼy nagpapakita sa aking mga kaaway, natatakot sila at umaatras; tumatakas sila at nadadapa, at sa inyong harapan silaʼy namamatay.
9:4
ASD
Nakaupo kayo sa inyong trono bilang matuwid na hukom. Noong akoʼy inyong hinatulan, napatunayan nʼyong wala akong kasalanan.
9:5
ASD
Hinatulan nʼyo at nilipol ang mga bansang masasamâ, kaya hindi na sila maaalala magpakailanman.
9:6
ASD
Tuluyan nang nawala ang aking mga kaaway; sila ay lubusang nawasak. Giniba nʼyo rin ang kanilang mga bayan, at silaʼy lubusan nang makakalimutan.
9:7
ASD
Ngunit kayo, Panginoon ay maghahari magpakailanman. At handa na ang inyong trono para sa paghatol.
9:8
ASD
Matuwid ninyong pinamumunuan ang sangkatauhan, silaʼy inyong hinahatulan nang walang pagkiling kaninuman.
9:9
ASD
Panginoon, kayo ang kanlungan ng mga inaapi, at kublihan sa panahon ng kahirapan.
9:10
ASD
Sa inyo nagtitiwala ang nakakakilala sa inyo, dahil hindi nʼyo itinatakwil ang mga lumalapit sa inyo.
9:11
ASD
Magsiawit kayo ng papuri sa Panginoon na hari ng Jerusalem! Ihayag ninyo sa mga bansa ang kanyang mga ginawa!
9:12
ASD
Hindi niya nakakalimutan ang panawagan ng mga pinahihirapan; pinaghihigantihan niya ang mga nagpapahirap sa kanila.
9:13
ASD
Panginoon, tingnan nʼyo po ang pagpapahirap sa akin ng aking mga kaaway. Maawa kayo sa akin, at iligtas nʼyo ako sa bingit ng kamatayan,
9:14
ASD
upang masabi ko sa lahat ng tao sa pintuan ng Zion, ang inyong mga ginawa, at akoʼy magagalak at magpupuri dahil sa inyong pagliligtas.
9:15
ASD
Nangyari mismo sa kanilang bansa ang binalak nilang masama. Sila mismo ang nahulog sa sarili nilang bitag.
9:16
ASD
Kilala ang Panginoon sa kanyang mga gawang matuwid. Ang masasamaʼy napahamak, dahil rin sa kanilang masamang gawa.
9:17
ASD
Kamatayan ang hahantungan ng mga masasama. Ang mga lilimot sa Diyos, ganyan ang kahihinatnan nila.
9:18
ASD
Ang mga dukha ay hindi laging pababayaan, at ang pag-asa ng mga mahihirap ay hindi na mawawala kailanman.
9:19
ASD
O Panginoon, huwag nʼyong pabayaang manaig ang kakayahan ng mga tao; tipunin nʼyo sa inyong presensya at hatulan ang mga taong hindi kumikilala sa inyo.
9:20
ASD
Turuan nʼyo silang matakot Panginoon, at nang malaman nilang silaʼy mga tao lamang.