Lev Leviticus, kabanata Leviticus, kabanata 18
Ang mga Ipinagbabawal na Gawaing Mahahalay
Inutusan ng Panginoon si Moises na sabihin ito sa mga Israelita:
Ako ang Panginoon na inyong Diyos. Lev 11:44Huwag nʼyong gawin ang mga ginagawa ng mga taga-Ehipto, kung saan kayo tumira noon. Huwag din ninyong gayahin ang mga ginagawa ng mga taga-Canaan na pagdadalhan ko sa inyo. Dapat ninyong sundin ang aking mga utos at mga tuntunin dahil ang sinumang susunod dito ay mabubuhay. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.Mat 15:3; Ezk 20:11; Neh 9:29; Rom 10:5; Gal 3:12
Huwag kayong sumiping sa malapít ninyong kamag-anak. Ako ang Panginoon.2Sa 16:22
Huwag mong ilagay sa kahihiyan ang iyong ama sa pamamagitan ng pagsiping sa iyong ina o sa iba pa niyang asawa.Gen 9:22; Gen 19:32; Ezk 22:10; Deu 27:20; 2Sa 16:22
Huwag kang sumiping sa iyong kapatid na babae, kahit na kapatid mo siya sa ama o sa ina, kahit na lumaki siya sa inyong pamilya o hindi.Deu 27:22; 2Sa 13:12; Ezk 22:11
Huwag kang sumiping sa iyong apong babae dahil magbibigay ito sa iyo ng kahihiyan.
Huwag kang sumiping sa anak na babae ng iyong ama sa iba niyang asawa, dahil kapatid mo rin siya.
Huwag kang sumiping sa iyong tiyahin na kapatid ng iyong ama o ina.Lev 20:19
Huwag mong ilalagay sa kahihiyan ang iyong tiyuhin sa pamamagitan ng pagsiping sa kanyang asawa, dahil tiyahin mo rin siya.Lev 20:20
Huwag kang sumiping sa iyong manugang na babae dahil asawa siya ng iyong anak.Gen 38:16; Deu 27:23; Ezk 22:11
Huwag kang sumiping sa iyong hipag na babae dahil itoʼy magbibigay ng kahihiyan sa iyong kapatid.Lev 20:21; Mat 14:4; Mrk 6:18
Huwag kang sumiping sa anak o apo ng babaeng sinipingan mo noon, dahil baka anak o apo mo ʼyon. Ito ay kabuktutan.Lev 20:14
Huwag kang mag-asawa ng kapatid na babae ng iyong asawa habang buháy pa ang iyong asawa.
Huwag kang sumiping sa babaeng may buwanang dalaw dahil itinuturing siyang marumi.Lev 15:19
Huwag kang sumiping sa asawa ng iba dahil kapag ginawa mo ito, ituturing kang marumi.Lev 20:10
Huwag mong ibibigay ang iyong anak para ihandog sa diyos-diyosang si Molec, dahil iyan ay paglapastangan sa aking pangalan na iyong Diyos. Ako ang Panginoon.Lev 20:2; 2Ki 23:10
Huwag kang sumiping sa kapwa mo lalaki o kapwa mo babae dahil kasuklam-suklam ito.Rom 1:27; 1Co 6:9
Huwag kang sumiping sa hayop dahil ito ay napakasama at ikaw ay ituturing na marumi kapag ginawa mo iyon.Exo 22:19
Huwag ninyong dungisan ang inyong sarili sa mga ganitong bagay dahil ito ang nagparumi sa mga taong pinaalis ko sa lupaing ibinigay ko sa inyo. Lev 20:23; 2Ki 17:15At kahit ang lupain ay nadungisan dahil sa ginawa nilang iyon. Pinadalhan ko ng mga salot ang lupaing iyon para silaʼy magsialis doon. Ngunit kayong mga katutubong Israelita at mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, huwag ninyong gawin ang kasuklam-suklam na gawaing iyon, kundi sundin ninyo ang mga tuntunin at mga kautusan ko. Sapagkat kung dudungisan din ninyo ang lupaing iyon, paaalisin ko rin kayo sa lupaing iyon katulad ng mga taong unang tumira roon.Isa 26:21; Lev 20:22
Ang sinumang gumawa ng mga kasuklam-suklam na gawaing ito ay huwag na ninyong ituring na kababayan. Kaya sundin ninyo ang iniuutos ko sa inyo at huwag ninyong susundin ang mga kasuklam-suklam na ginawa ng mga taong nauna sa inyo, para hindi ninyo madungisan ang inyong sarili katulad nila. Ako ang Panginoon na inyong Diyos.Lev 19:37; Lev 20:8