Numeri 7 in verschillende vertalingen

Kies de vertalingen om te vergelijken

Kies een vertaling om die aan de lijst toe te voegen; de kolommen volgen de volgorde van de lijst.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Nederlands

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Tiếng Việt

ไทย

한국어

हिन्दी

Nederlands

  • Gods Boek

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
7:1
ASD Pagkatapos maiayos ni Moises ang Tolda, winisikan niya ito ng langis at itinalaga pati ang lahat ng kagamitan nito. Ganito rin ang ginawa niya sa altar at sa lahat ng kagamitan nito.
7:2
ASD Pagkatapos, nagdala ng mga handog sa Panginoon ang mga pinuno ng Israel, na pinuno ng bawat lahi. Sila ang nakatalaga sa pagsesensus.
7:3
ASD Nagdala sila ng anim na kariton at labindalawang baka – isang kariton sa bawat dalawang pinuno, at isang baka sa bawat isa sa kanila sa harapan ng Panginoon. Dinala nila ito sa harapan ng Toldang Sambahan.
7:4
ASD Sinabi ng Panginoon kay Moises,
7:5
ASD “Tanggapin mo ang kanilang mga handog upang magamit para sa mga gawain sa Toldang Tipanan. Ibigay ito sa mga Levita ayon sa kanilang gawain.”
7:6
ASD Kaya tinanggap ni Moises ang mga kariton at ang mga baka, at ibinigay ito sa mga Levita.
7:7
ASD Ibinigay niya ang dalawang kariton at apat na baka sa mga angkan ni Gerson para sa kanilang gawain.
7:8
ASD At ibinigay niya ang apat na kariton at walong baka sa mga angkan ni Merari para rin sa kanilang gawain. Pinamumunuan silang lahat ni Itamar na anak ng paring si Aaron.
7:9
ASD Ngunit hindi binigyan ni Moises ng kariton o baka ang mga angkan ni Kohat dahil sila ang itinalaga sa pagdadala ng mga banal na bagay ng Tolda.
7:10
ASD Sa araw na winisikan ng langis ang altar, nagdala rin ang mga pinuno ng kanilang mga handog para sa pagtatalaga ng altar, at dinala nila ang mga ito sa harap ng altar.
7:11
ASD Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Kailangang sa bawat araw, may isang pinuno na magdadala ng kanyang handog para sa pagtatalaga ng altar.”
7:12
ASD Ang nagdala ng handog sa unang araw ay si Naason na anak ni Aminadab, na pinuno ng tribo ni Juda.
7:13
ASD Ang kanyang mga handog ay isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
7:14
ASD Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
7:15
ASD isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
7:16
ASD isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
7:17
ASD dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na tig-iisang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang mga handog ni Naason na anak ni Aminadab.
7:18
ASD Nang ikalawang araw, si Netanel na anak ni Zuar, na pinuno ng tribo ni Isacar ang nagdala ng handog.
7:19
ASD Ang kanyang mga handog ay isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
7:20
ASD Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
7:21
ASD isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
7:22
ASD isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
7:23
ASD dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang mga handog ni Netanel na anak ni Zuar.
7:24
ASD Nang ikatlong araw, si Eliab na anak ni Helon, na pinuno ng tribo ni Zebulun, ang nagdala ng handog.
7:25
ASD Ang kanyang mga handog ay isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
7:26
ASD Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
7:27
ASD isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
7:28
ASD isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
7:29
ASD dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Eliab na anak ni Helon.
7:30
ASD Nang ikaapat na araw, si Elizur na anak ni Sedeur, na pinuno ng tribo ni Ruben ang nagdala ng kanyang handog.
7:31
ASD Ang kanyang mga handog ay isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
7:32
ASD Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
7:33
ASD isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
7:34
ASD isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
7:35
ASD dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Elizur na anak ni Sedeur.
7:36
ASD Nang ikalimang araw, si Selumiel na anak ni Zurishadai, na pinuno ng tribo ni Simeon ang nagdala ng kanyang handog.
7:37
ASD Ang kanyang mga handog ay isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
7:38
ASD Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
7:39
ASD isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
7:40
ASD isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
7:41
ASD dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Selumiel na anak ni Zurishadai.
7:42
ASD Nang ikaanim na araw, si Eliasaf na anak ni Deuel, na pinuno ng lahi ni Gad ang nagdala ng kanyang handog.
7:43
ASD Ang kanyang mga handog ay isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
7:44
ASD Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
7:45
ASD isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
7:46
ASD isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
7:47
ASD dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Eliasaf na anak ni Deuel.
7:48
ASD Nang ikapitong araw, si Elisama na anak ni Amihud, na pinuno ng tribo ni Efraim ang nagdala ng kanyang handog.
7:49
ASD Ang kanyang mga handog ay isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
7:50
ASD Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
7:51
ASD isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
7:52
ASD isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
7:53
ASD dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Elisama na anak ni Amihud.
7:54
ASD Nang ikawalong araw, si Gamaliel na anak ni Pedazur, na pinuno ng tribo ni Manases ang nagdala ng kanyang handog.
7:55
ASD Ang kanyang mga handog ay isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
7:56
ASD Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
7:57
ASD isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
7:58
ASD isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
7:59
ASD dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Gamaliel na anak ni Pedazur.
7:60
ASD Nang ikasiyam na araw, si Abidan na anak ni Gideoni, na pinuno ng tribo ni Benjamin ang nagdala ng kanyang handog.
7:61
ASD Ang kanyang mga handog ay isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
7:62
ASD Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
7:63
ASD isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
7:64
ASD isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
7:65
ASD dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Abidan na anak ni Gideoni.
7:66
ASD Nang ikasampung araw, si Ahiezer na anak ni Amishadai, na pinuno ng tribo ni Dan ang nagdala ng kanyang handog.
7:67
ASD Ang kanyang mga handog ay isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
7:68
ASD Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
7:69
ASD isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
7:70
ASD isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
7:71
ASD dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Ahiezer na anak ni Amishadai.
7:72
ASD Nang ikalabing-isang araw, si Pagiel na anak ni Ocran, na pinuno ng tribo ni Asher ang nagdala ng kanyang handog.
7:73
ASD Ang kanyang mga handog ay isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
7:74
ASD Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
7:75
ASD isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
7:76
ASD isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
7:77
ASD dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Pagiel na anak ni Ocran.
7:78
ASD Nang ikalabindalawang araw, si Ahira na anak ni Enan, na pinuno ng lahi ni Neftali ang nagdala ng kanyang handog.
7:79
ASD Ang kanyang mga handog ay isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
7:80
ASD Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
7:81
ASD isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
7:82
ASD isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
7:83
ASD dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Ahira na anak ni Enan.
7:84
ASD Ito ang lahat ng mga handog ng labindalawang pinuno ng mga Israelita para sa pagtatalaga ng altar: labindalawang pilak na bandehado, labindalawang pilak na mangkok, at labindalawang gintong tasa.
7:85
ASD Ang bawat bandehadong pilak ay may bigat na isaʼt kalahating kilo, at ang bawat mangkok na pilak ay may bigat na 800 gramo. Ang kabuuang timbang nila ay mga dalawampuʼt walong kilo ayon sa timbangang ginagamit ng mga pari.
7:86
ASD Ang labindalawang gintong lalagyan na puno ng insenso ay may bigat na mga 115 gramo bawat isa ayon sa bigat ng ginto sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang kabuuang timbang nila ay mga 1,440 gramo.
7:87
ASD Ang kabuuang bilang ng mga hayop na ibinigay para sa handog na sinusunog: labindalawang batang toro, labindalawang lalaking tupa at labindalawang lalaking tupang isang taóng gulang pa lang ang edad, kasama nito ang mga handog na pagkaing butil para sa Panginoon. Ang handog para sa kasalanan ay labindalawang lalaking kambing.
7:88
ASD Ang mga hayop na handog pangkapayapaan: dalawampuʼt apat na toro, animnapung lalaking tupa, animnapung lalaking kambing at animnapung batang lalaking tupa na isang taóng gulang pa lang ang edad. Ito ang lahat ng mga handog nang italaga ang altar matapos itong wisikan ng langis.
7:89
ASD Kapag papasok si Moises sa Toldang Tipanan para makipag-usap sa Panginoon, naririnig niya ang boses na nakikipag-usap sa kanya galing sa gitna ng dalawang kerubin, sa ibabaw ng takip ng Kahon ng Kasunduan. Doon nakikipag-usap ang Panginoon kay Moises.