Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 99
Naghahari ang Panginoon
at nakaupo sa gitna ng mga kerubin.
Kaya ang mga taoʼy nanginginig sa takot
at ang mundoʼy nayayanig.Psa 93:1; 1Sa 4:4; 2Sa 6:2
Makapangyarihan ang Panginoon sa Zion,99:2 Zion: O Jerusalem.
dinadakila siya sa lahat ng bansa.
Magpupuri ang mga tao sa kanya
dahil siya ay makapangyarihan at kagalang-galang.
Siya ay banal!Psa 95:3; Psa 111:9
Siyaʼy Haring makapangyarihan at ang nais niyaʼy katarungan.
Sa kanyang paghatol ay wala siyang kinikilingan.
Ang ginagawa niya sa Israel99:4 Israel: Sa Hebreo, Jacob.
ay matuwid at makatarungan.Psa 103:6
Purihin ang Panginoon na ating Diyos.
Sambahin siya sa kanyang trono.99:5 trono: Sa literal, tuntungan ng paa.
Siya ay banal!Isa 6:3; Rev 4:8
Sina Moises at Aaron ay kanyang mga pari,
at si Samuel ay isa sa mga nanalangin sa kanya.
Tumawag sila sa Panginoon
at tinugon niya sila.Exo 32:11; Num 14:13; 1Sa 12:19
Nakipag-usap siya sa kanila
mula sa ulap na parang haligi;
sinunod nila ang mga katuruan
at tuntunin na kanyang ibinigay.Exo 33:9
Panginoon naming Diyos,
sinagot nʼyo ang dalangin ng inyong mga mamamayan.99:8 ng inyong mga mamamayan: Sa Hebreo, nila; Maaari ding sina Moises, Aaron at Samuel ang tinutukoy gaya ng nakasulat sa talata 6|PSA 99:6.
Ipinakita nʼyo sa kanila na kayo ay Diyos na mapagpatawad
kahit na pinarusahan nʼyo sila sa kanilang mga kasalanan.
Purihin ang Panginoon na ating Diyos.
Sambahin siya sa kanyang banal na Bundok,
dahil ang Panginoon na ating Diyos ay banal.1Pe 1:16