เยเรมียาห์ 4 ในหลายฉบับแปล
Ang Salita ng Diyos
4:1
ASD
Sinabi ng Panginoon, “O Israel, kung talagang gusto mong magbalik sa akin, manumbalik ka na. Kung itatakwil mo ang mga kasuklam-suklam mong diyos-diyosan at hindi ka na lalayo sa akin,
4:2
ASD
at kung susumpa ka sa aking pangalan lamang na nagsasabing, ‘Habang buháy ang Panginoong,’ at mamumuhay nang tapat, matuwid at tama, magiging pagpapala ka sa mga bansa at pararangalan nila ako.”
4:3
ASD
Sinabi ng Panginoon sa mga taga-Juda at taga-Jerusalem: “Tulad ng pagbungkal sa matigas na lupa, bungkalin ninyo ang matigas ninyong puso! Tulad ng pagbunot sa dawag at tinik upang hindi masayang ang binhi, alisin ninyo ang kasalanang sumisira sa inyo. At huwag sayangin ang mabuting binhi sa mga dawag at tinik.
4:4
ASD
Linisin nʼyo ang inyong mga puso sa harapan ng Panginoon, kayong mga taga-Juda at taga-Jerusalem, dahil kung hindi ay mararanasan ninyo ang aking galit na katulad ng apoy na hindi namamatay dahil sa ginawa nʼyong kasamaan.
4:5
ASD
“Sabihin mo sa Juda at ipahayag sa Jerusalem: ‘Patunugin ninyo ang trumpeta sa buong lupain!’ Isigaw nang malinaw at sabihin: ‘Magsama-sama at magtipon! Tumakas patungo sa mga napapaderang lungsod!’
4:6
ASD
Itaas mo ang bandila at balaan mo ang mga taga-Zion na tumakas agad sila sapagkat magpapadala ako ng kapahamakan mula sa hilaga.”
4:7
ASD
Ang tagapagwasak na sasalakay sa mga bansa ay parang leon na lumabas sa kanyang lungga. Nakaalis na siya sa lugar niya upang wasakin ang lupain ninyo. Guguho ang mga bayan ninyo at wala nang makakatira sa mga ito.
4:8
ASD
Kaya isuot na ninyo ang damit na panluksa, tumangis kayo at umiyak, sapagkat matindi pa rin ang galit ng Panginoon sa atin.
4:9
ASD
Sinabi ng Panginoon, “Sa araw na iyon, maduduwag ang hari at ang kanyang mga pinuno, masisindak ang mga pari, at mangingilabot ang mga propeta.”
4:10
ASD
Pagkatapos, sinabi ko, “Makapangyarihang Panginoon, nalinlang po ang mga tao sa sinabi nʼyo noon, dahil nangako po kayo na mananatiling payapa ang Jerusalem. Ngunit ang espada pala ay nakahanda nang pumatay sa amin.”
4:11
ASD
Darating ang araw na sasabihin ng Panginoon sa mga taga-Jerusalem, “Iihip ang mainit na hangin mula sa ilang patungo sa mga mamamayan ko, pero hindi ito para mahanginan at masala ang kanilang mga trigo.
4:12
ASD
Ang malakas na hangin na itoʼy galing sa akin. Sasabihin ko ngayon ang parusa ko sa kanila.”
4:13
ASD
Tingnan nʼyo! Dumarating ang kaaway natin na parang mga ulap. Ang mga karwahe niyaʼy parang ipuipo at ang mga kabayo niyaʼy mas mabilis kaysa sa mga agila. Nakakaawa tayo! Ito na ang ating katapusan!
4:14
ASD
“Mga taga-Jerusalem, linisin ninyo ang kasamaan sa inyong puso upang kayoʼy maligtas. Hanggang kailan kayo mag-iisip ng masama?
4:15
ASD
Ang kapahamakan ninyoʼy ibinalita na ng mga mensahero mula sa Dan at ipinahayag sa kabundukan ng Efraim.
4:16
ASD
Inutusan silang bigyan ng babala ang mga bansa at ibalita tungkol sa Jerusalem na may mga sundalong sumasalakay mula sa malayong lugar na humahamon ng digmaan sa mga lungsod ng Juda.
4:17
ASD
Pinaligiran nila ang Jerusalem na parang mga taong nagbabantay ng bukid, dahil ang Jerusalem ay naghimagsik sa akin,” sabi ng Panginoon.
4:18
ASD
“Ang inyong pag-uugali at mga gawa ang nagdala ng parusang ito sa inyo. Ito ang kaparusahan ninyo. Masakit ito! At tatagos ito sa inyong puso.”
4:19
ASD
Ang puso ko, ang puso ko, namimilipit sa sakit na nadarama! Mabigat ang aking kalooban, kumakabog ang aking dibdib at hindi ako mapalagay. Sapagkat aking narinig ang tunog ng trumpeta, at ang hiyaw ng mga mandirigma.
4:20
ASD
Sunod-sunod na dumating ang kapahamakan. Ang buong lupain ay napinsala. Pati ang tolda koʼy agad na nagiba at napunit ang mga tabing.
4:21
ASD
Hanggang kailan ko kaya makikita ang watawat ng digmaan at maririnig ang tunog ng trumpeta?
4:22
ASD
“Hangal ang aking mga mamamayan ko; hindi nila ako nakikilala. Silaʼy mga mangmang na kabataan at walang pang-unawa. Sanay silang gumawa ng masama ngunit hindi marunong gumawa ng mabuti.”
4:23
ASD
Tiningnan ko ang lupain at nakita kong itoʼy wala nang anyo at wala nang laman. At nakita ko ring ang langit ay wala nang liwanag.
4:24
ASD
Nakita ko ang mga bundok, at ang mga ito ay yumayanig; at ang mga burol ay parang may indayog.
4:25
ASD
Nakita ko rin na walang tao at lumilipad ang mga ibon papalayo.
4:26
ASD
Nakita ko na ang masaganang bukirin ay naging ilang. Nawasak ang lahat ng bayan dahil sa matinding galit ng Panginoon.
4:27
ASD
Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Ang buong lupain ay mawawasak, pero hindi ko ito lubos na gigibain.
4:28
ASD
Iiyak ang sanlibutan at magdidilim ang langit, dahil sinabi ko na ang kaparusahan at hindi ko na ito babaguhin. Nakapagpasya na ako at hindi na magbabago ang isip ko.”
4:29
ASD
Sa ingay ng mga nangangabayo at mamamana, tumakas na sa takot ang mga mamamayan ng bawat bayan. Ang iba ay tumakas sa kagubatan at ang iba ay umakyat sa batuhan. Ang lahat ng bayan ay iniwanan at walang natirang naninirahan sa mga ito.
4:30
ASD
Jerusalem malapit ka nang mawasak. Ano ang ginagawa mo? Bakit may suot ka pang magandang damit at mga gintong alahas? Bakit naglalagay ka pa ng mga kolorete sa iyong mga mata? Wala nang kabuluhan ang iyong pagpapaganda. Itinakwil ka na ng iyong mga minamahal na kakamping bansa at gusto ka na nilang patayin.
4:31
ASD
Narinig ko ang pag-iyak at pagdaing, na parang babaeng nanganganak sa kanyang panganay. Iyak ito ng mga mamamayan ng Jerusalem na parang hinahabol ang kanilang hininga. Itinataas nila ang kanilang mga kamay at nagsasabing, “Kawawa naman kami; at parang kamiʼy hihimatayin na, sapagkat nariyan na ang aming mga kaaway na papatay sa amin.”