Jeremia 4 in verschillende vertalingen

Kies de vertalingen om te vergelijken

Kies een vertaling om die aan de lijst toe te voegen; de kolommen volgen de volgorde van de lijst.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Nederlands

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Tiếng Việt

ไทย

한국어

हिन्दी

Nederlands

  • Gods Boek

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Targum Onkelos (Etheridge)
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
4:1
ASD Sinabi ng Panginoon, “O Israel, kung talagang gusto mong magbalik sa akin, manumbalik ka na. Kung itatakwil mo ang mga kasuklam-suklam mong diyos-diyosan at hindi ka na lalayo sa akin,
4:2
ASD at kung susumpa ka sa aking pangalan lamang na nagsasabing, ‘Habang buháy ang Panginoong,’ at mamumuhay nang tapat, matuwid at tama, magiging pagpapala ka sa mga bansa at pararangalan nila ako.”
4:3
ASD Sinabi ng Panginoon sa mga taga-Juda at taga-Jerusalem: “Tulad ng pagbungkal sa matigas na lupa, bungkalin ninyo ang matigas ninyong puso! Tulad ng pagbunot sa dawag at tinik upang hindi masayang ang binhi, alisin ninyo ang kasalanang sumisira sa inyo. At huwag sayangin ang mabuting binhi sa mga dawag at tinik.
4:4
ASD Linisin nʼyo ang inyong mga puso sa harapan ng Panginoon, kayong mga taga-Juda at taga-Jerusalem, dahil kung hindi ay mararanasan ninyo ang aking galit na katulad ng apoy na hindi namamatay dahil sa ginawa nʼyong kasamaan.
4:5
ASD “Sabihin mo sa Juda at ipahayag sa Jerusalem: ‘Patunugin ninyo ang trumpeta sa buong lupain!’ Isigaw nang malinaw at sabihin: ‘Magsama-sama at magtipon! Tumakas patungo sa mga napapaderang lungsod!’
4:6
ASD Itaas mo ang bandila at balaan mo ang mga taga-Zion na tumakas agad sila sapagkat magpapadala ako ng kapahamakan mula sa hilaga.”
4:7
ASD Ang tagapagwasak na sasalakay sa mga bansa ay parang leon na lumabas sa kanyang lungga. Nakaalis na siya sa lugar niya upang wasakin ang lupain ninyo. Guguho ang mga bayan ninyo at wala nang makakatira sa mga ito.
4:8
ASD Kaya isuot na ninyo ang damit na panluksa, tumangis kayo at umiyak, sapagkat matindi pa rin ang galit ng Panginoon sa atin.
4:9
ASD Sinabi ng Panginoon, “Sa araw na iyon, maduduwag ang hari at ang kanyang mga pinuno, masisindak ang mga pari, at mangingilabot ang mga propeta.”
4:10
ASD Pagkatapos, sinabi ko, “Makapangyarihang Panginoon, nalinlang po ang mga tao sa sinabi nʼyo noon, dahil nangako po kayo na mananatiling payapa ang Jerusalem. Ngunit ang espada pala ay nakahanda nang pumatay sa amin.”
4:11
ASD Darating ang araw na sasabihin ng Panginoon sa mga taga-Jerusalem, “Iihip ang mainit na hangin mula sa ilang patungo sa mga mamamayan ko, pero hindi ito para mahanginan at masala ang kanilang mga trigo.
4:12
ASD Ang malakas na hangin na itoʼy galing sa akin. Sasabihin ko ngayon ang parusa ko sa kanila.”
4:13
ASD Tingnan nʼyo! Dumarating ang kaaway natin na parang mga ulap. Ang mga karwahe niyaʼy parang ipuipo at ang mga kabayo niyaʼy mas mabilis kaysa sa mga agila. Nakakaawa tayo! Ito na ang ating katapusan!
4:14
ASD “Mga taga-Jerusalem, linisin ninyo ang kasamaan sa inyong puso upang kayoʼy maligtas. Hanggang kailan kayo mag-iisip ng masama?
4:15
ASD Ang kapahamakan ninyoʼy ibinalita na ng mga mensahero mula sa Dan at ipinahayag sa kabundukan ng Efraim.
4:16
ASD Inutusan silang bigyan ng babala ang mga bansa at ibalita tungkol sa Jerusalem na may mga sundalong sumasalakay mula sa malayong lugar na humahamon ng digmaan sa mga lungsod ng Juda.
4:17
ASD Pinaligiran nila ang Jerusalem na parang mga taong nagbabantay ng bukid, dahil ang Jerusalem ay naghimagsik sa akin,” sabi ng Panginoon.
4:18
ASD “Ang inyong pag-uugali at mga gawa ang nagdala ng parusang ito sa inyo. Ito ang kaparusahan ninyo. Masakit ito! At tatagos ito sa inyong puso.”
4:19
ASD Ang puso ko, ang puso ko, namimilipit sa sakit na nadarama! Mabigat ang aking kalooban, kumakabog ang aking dibdib at hindi ako mapalagay. Sapagkat aking narinig ang tunog ng trumpeta, at ang hiyaw ng mga mandirigma.
4:20
ASD Sunod-sunod na dumating ang kapahamakan. Ang buong lupain ay napinsala. Pati ang tolda koʼy agad na nagiba at napunit ang mga tabing.
4:21
ASD Hanggang kailan ko kaya makikita ang watawat ng digmaan at maririnig ang tunog ng trumpeta?
4:22
ASD “Hangal ang aking mga mamamayan ko; hindi nila ako nakikilala. Silaʼy mga mangmang na kabataan at walang pang-unawa. Sanay silang gumawa ng masama ngunit hindi marunong gumawa ng mabuti.”
4:23
ASD Tiningnan ko ang lupain at nakita kong itoʼy wala nang anyo at wala nang laman. At nakita ko ring ang langit ay wala nang liwanag.
4:24
ASD Nakita ko ang mga bundok, at ang mga ito ay yumayanig; at ang mga burol ay parang may indayog.
4:25
ASD Nakita ko rin na walang tao at lumilipad ang mga ibon papalayo.
4:26
ASD Nakita ko na ang masaganang bukirin ay naging ilang. Nawasak ang lahat ng bayan dahil sa matinding galit ng Panginoon.
4:27
ASD Ito ang sinasabi ng Panginoon, “Ang buong lupain ay mawawasak, pero hindi ko ito lubos na gigibain.
4:28
ASD Iiyak ang sanlibutan at magdidilim ang langit, dahil sinabi ko na ang kaparusahan at hindi ko na ito babaguhin. Nakapagpasya na ako at hindi na magbabago ang isip ko.”
4:29
ASD Sa ingay ng mga nangangabayo at mamamana, tumakas na sa takot ang mga mamamayan ng bawat bayan. Ang iba ay tumakas sa kagubatan at ang iba ay umakyat sa batuhan. Ang lahat ng bayan ay iniwanan at walang natirang naninirahan sa mga ito.
4:30
ASD Jerusalem malapit ka nang mawasak. Ano ang ginagawa mo? Bakit may suot ka pang magandang damit at mga gintong alahas? Bakit naglalagay ka pa ng mga kolorete sa iyong mga mata? Wala nang kabuluhan ang iyong pagpapaganda. Itinakwil ka na ng iyong mga minamahal na kakamping bansa at gusto ka na nilang patayin.
4:31
ASD Narinig ko ang pag-iyak at pagdaing, na parang babaeng nanganganak sa kanyang panganay. Iyak ito ng mga mamamayan ng Jerusalem na parang hinahabol ang kanilang hininga. Itinataas nila ang kanilang mga kamay at nagsasabing, “Kawawa naman kami; at parang kamiʼy hihimatayin na, sapagkat nariyan na ang aming mga kaaway na papatay sa amin.”