Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 13

Mga salin Ihambing

Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

Hanggang kailan Panginoon?

Habambuhay ba ninyo akong kalilimutan?

Hanggang kailan ninyo ako tatalikuran?Psa 77:7; Hab 1:2

Hanggang kailan ko dadalhin

itong aking mga pangamba?

Ang kalungkutan sa puso ko, kailan ito mawawala?

Hanggang kailan ba ako matatalo

ng aking mga kaaway?

Panginoon kong Diyos,

bigyan nʼyo ako ng pansin;

sagutin nʼyo ang aking dalangin.

Ibalik po ninyo ang ningning

sa aking mga mata,

upang hindi ako mamatayEzr 9:8; Jer 51:39

at upang hindi masabi ng aking mga kaaway

na natalo nila ako,

sapagkat tiyak na silaʼy magagalak

kung akoʼy mapahamak.

Panginoon, naniniwala po ako

na akoʼy inyong mahal.

Nagagalak ang puso ko

dahil sa pagliligtas ninyo.Isa 66:14; Psa 103:2

Panginoon, aawitan kita

dahil napakabuti nʼyo sa akin

mula pa noon.Isa 66:14; Psa 103:2