Pro Mga Kawikaan, kabanata Mga Kawikaan, kabanata 24
Ikadalawampung Kawikaan
Huwag kang mainggit sa mga taong masama
o hangarin mang makipagkaibigan sa kanila.Psa 37:1; Pro 23:17
Sapagkat ang iniisip nila at sinasabi
ay para sa kapahamakan ng iba.Psa 10:7
Ikadalawampuʼt Isang Kawikaan
Sa pamamagitan ng iyong husay,
maitatayo mo at mapapaunlad
ang iyong tahanan.
Mapupuno rin ito
ng mahahalagang kayamanan.
Ikadalawampuʼt Dalawang Kawikaan
Ang taong marunong
ay malaki ang maitutulong
upang lalong lumakas
ang mga nakikipaglaban,
sapagkat kailangan nila
ng mga payo sa pakikipaglaban.
At higit na matitiyak ang tagumpay
kung maraming nagpapayo.Pro 20:18
Ikadalawampuʼt Tatlong Kawikaan
Ang karunungan ay hindi maunawaan
ng mangmang.
Wala siyang masabi
kapag mahahalagang bagay
ang pinag-uusapan.Pro 14:6
Ikadalawampuʼt Apat na Kawikaan
Ang taong laging nagpaplano ng masama
ay kikilalaning may pakana
ng kasamaan.
Anumang pakana ng hangal ay kasalanan,
at kinasusuklaman ng mga tao
ang sinumang nangungutya.
Ikadalawampuʼt Limang Kawikaan
Kapag ikaw ay pinanghihinaan ng loob
sa panahon ng kahirapan,
kay liit naman ng iyong lakas!
Sagipin mo ang mga taong patungo
sa kanilang kamatayan;
iligtas mo silang mga patungo
sa kanilang kapahamakan.Psa 82:4
Kapag sinabi mong,
“Hindi namin alam ʼyan,”
hindi baʼt alam ito ng Diyos
na sumisiyasat sa puso?
Siya ang nagbabantay sa iyong buhay,
hindi ba niya nalalaman ito?
Gagantimpalaan niya ang lahat
ayon sa kanilang mga ginawa.Job 34:11; Psa 62:12; Jer 32:19; Rom 2:6; Rev 22:12
Ikadalawampuʼt Anim Kawikaan
Anak, kumain ka ng pulot
sapagkat mabuti ito sa iyo,
ang pulot mula sa pulot-pukyutan
ay matamis sa iyong panlasa.
Sapagkat kung marunong ka,
mapapabuti ang iyong kinabukasan
at mapapasaiyo ang iyong
mga hinahangad.
Ikadalawampuʼt Pitong Kawikaan
Huwag kang tumambang
na parang magnanakaw
sa bahay ng matuwid,
huwag mong pagnakawan
ang kanilang tahanan.Pro 1:11
Ang taong matuwid,
mabuwal man ng pitong ulit
ay tiyak na makakabangon ulit.
Hindi tulad ng taong
masama na kapag nabuwal
ay hindi na makakabangon pa.Psa 37:24; Amo 5:2
Ikadalawampuʼt Walong Kawikaan
Huwag kang magdiwang
kapag bumagsak ang iyong kaaway,
o di kayaʼy magalak
sa kanilang pagkakadapa,Job 31:29
dahil kapag nakita ng Panginoon
na ikaʼy nasisiyahan,
hindi niya ito magugustuhan,
at ang iyong kaaway ay hindi
na niya parurusahan.
Ikadalawampuʼt Siyam na Kawikaan
Huwag kang mabalisa
o mainggit sa mga taong masasama,Psa 37:1
sapagkat wala silang mabuting kinabukasan
at magiging tulad sila
ng ilaw na namatay.Pro 13:9
Ikatatlumpung Kawikaan
Anak, matakot ka sa Panginoon
at sa hari.
Huwag kang makisama
sa mga taong sumusuway sa kanila,Mat 22:21; 1Pe 2:17; Rom 13:2
sapagkat hindi mo alam kung anong kapahamakan
ang biglang ibibigay ng Panginoon
o ng hari sa kanila.
Iba pang mga Kawikaan
Narito pa ang ilang kawikaan ng marurunong na tao:
Hindi dapat magtangi ng tao
sa paghatol ng katarungan.Pro 18:5
Kapag pinalaya mo
ang taong may kasalanan,
susumpain ka
at kamumuhian ng mga tao.Isa 5:23
Ngunit kapag pinarusahan mo
ang may kasalanan,
matutuwa ang mga tao
at pagpapalain ka.
Ang matapat na sagot
ay tulad ng halik ng pagkakaibigan.
Ihanda mo muna ang iyong pagkakakitaan,
tulad ng iyong bukid na taniman
bago ka magtatag ng sariling tahanan.
Huwag kang sasaksi sa iyong kapwa
nang walang sapat na dahilan,
o magsalita laban sa kanya
ng kasinungalingan.
Huwag mong sasabihin,
“Gaganti ako.
Gagawin ko sa kanya
ang ginawa niya sa akin.”Pro 17:13
Dumaan ako sa bukid
ng isang tamad
doon sa ubasan
ng isang walang muwang.
Puno na ito ng mga damo
at matitinik na halaman,
at giba na ang mga bakod nito.Pro 15:19
Nang makita ko ito,
napaisip ako nang mabuti,
at natutunan ko ang aral na ito:
Sa kaunting dagdag na tulog,
sa kaunting pag-idlip,
sa kaunting paghahalukipkip
ng mga kamay para magpahinga,Pro 6:10
darating na parang magnanakaw
ang kahirapan
at ang kakulangan gaya
ng pagsalakay ng tulisan.Pro 28:19