II Tê-sa-lô-ni-ca 3 trong các bản dịch khác nhau

Chọn các bản dịch để so sánh

Chọn một bản dịch để thêm vào danh sách; các cột xếp theo thứ tự trong danh sách.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Tiếng Việt

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Ἀρχαία Ἑλληνική

Српски / Srpski

Hrvatski

Eesti

Svenska

Magyar

Slovenčina

Suomi

Norsk bokmål

Íslenska

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Български

Bahasa Indonesia

ไทย

한국어

हिन्दी

English

  • JPS Tanakh
  • Targum Onkelos (Etheridge)

Deutsch

  • Byzantinischer Text
Ang Salita ng Diyos
3:1
ASD At ngayon, mga kapatid, ipanalangin nʼyo kami upang mabilis na lumaganap at maparangalan ang salita ng Panginoon, katulad nang nangyari sa inyo.
3:2
ASD Ipanalangin nʼyo rin na maligtas kami sa mga masasama at makasalanang tao; dahil hindi lahat ng taoʼy naniniwala sa itinuturo namin.
3:3
ASD Ngunit matapat ang Panginoon; bibigyan niya kayo ng lakas at iingatan laban sa masama.
3:4
ASD Dahil sa Panginoon, nagtitiwala kaming ginagawa nʼyo at patuloy na gagawin ang mga ibinilin namin.
3:5
ASD Patnubayan nawa kayo ng Panginoon upang makita sa inyo ang pag-ibig ng Diyos at katatagan ni Kristo.
3:6
ASD Mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo, iniuutos namin sa inyo na layuan ninyo ang sinumang kapatid na tamad at hindi sumusunod sa mga ipinangaral namin sa inyo.
3:7
ASD Sapagkat alam naman ninyong dapat nʼyo kaming tularan dahil hindi kami naging tamad noong nariyan pa kami.
3:8
ASD Hindi kami tumanggap ng pagkain mula sa inyo na hindi namin binayaran. Sa halip, nagsikap kaming magtrabaho araw at gabi upang hindi kami maging pabigat kaninuman.
3:9
ASD Ginawa namin ito, hindi dahil wala kaming karapatang tumanggap ng tulong galing sa inyo, kundi upang magsilbing halimbawa sa inyo.
3:10
ASD Noong kasama nʼyo pa kami, sinabi namin sa inyo na huwag pakainin ang sinumang ayaw magtrabaho.
3:11
ASD Nabalitaan naming ang ilan sa inyo ay tamad, ayaw kumilos, at walang ibang ginagawa kundi makialam sa buhay ng iba.
3:12
ASD Kaya sa pangalan ng Panginoong Hesu-Kristo, mahigpit naming inuutusan ang mga taong ito na maghanapbuhay at huwag makialam sa buhay ng iba.
3:13
ASD At sa inyo naman, mga kapatid, huwag kayong magsawa sa paggawa ng mabuti.
3:14
ASD Kung mayroon mang ayaw sumunod sa mga sinabi namin sa sulat na ito, tandaan nʼyo kung sino siya at iwasan para mapahiya siya.
3:15
ASD Ngunit huwag nʼyo siyang ituring na kaaway, kundi paalalahanan siya bilang kapatid.
3:16
ASD Nawaʼy ang Panginoon na pinagmumulan ng kapayapaan ang siya ring magbigay sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng pagkakataon, maging anuman ang kalagayan ninyo. At patnubayan nawa kayong lahat ng Panginoon.
3:17
ASD Akong si Pablo ang mismong sumusulat ng pagbating ito. Ito ang palatandaan na ako ang sumulat ng liham na ito. Ganito ang sulat-kamay ko.
3:18
ASD Sumainyong lahat nawa ang biyaya ng ating Panginoong Hesu-Kristo.