2 Tessalonicenses 3 em diferentes traduções
Ang Salita ng Diyos
3:1
ASD
At ngayon, mga kapatid, ipanalangin nʼyo kami upang mabilis na lumaganap at maparangalan ang salita ng Panginoon, katulad nang nangyari sa inyo.
3:2
ASD
Ipanalangin nʼyo rin na maligtas kami sa mga masasama at makasalanang tao; dahil hindi lahat ng taoʼy naniniwala sa itinuturo namin.
3:3
ASD
Ngunit matapat ang Panginoon; bibigyan niya kayo ng lakas at iingatan laban sa masama.
3:4
ASD
Dahil sa Panginoon, nagtitiwala kaming ginagawa nʼyo at patuloy na gagawin ang mga ibinilin namin.
3:5
ASD
Patnubayan nawa kayo ng Panginoon upang makita sa inyo ang pag-ibig ng Diyos at katatagan ni Kristo.
3:6
ASD
Mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo, iniuutos namin sa inyo na layuan ninyo ang sinumang kapatid na tamad at hindi sumusunod sa mga ipinangaral namin sa inyo.
3:7
ASD
Sapagkat alam naman ninyong dapat nʼyo kaming tularan dahil hindi kami naging tamad noong nariyan pa kami.
3:8
ASD
Hindi kami tumanggap ng pagkain mula sa inyo na hindi namin binayaran. Sa halip, nagsikap kaming magtrabaho araw at gabi upang hindi kami maging pabigat kaninuman.
3:9
ASD
Ginawa namin ito, hindi dahil wala kaming karapatang tumanggap ng tulong galing sa inyo, kundi upang magsilbing halimbawa sa inyo.
3:10
ASD
Noong kasama nʼyo pa kami, sinabi namin sa inyo na huwag pakainin ang sinumang ayaw magtrabaho.
3:11
ASD
Nabalitaan naming ang ilan sa inyo ay tamad, ayaw kumilos, at walang ibang ginagawa kundi makialam sa buhay ng iba.
3:12
ASD
Kaya sa pangalan ng Panginoong Hesu-Kristo, mahigpit naming inuutusan ang mga taong ito na maghanapbuhay at huwag makialam sa buhay ng iba.
3:13
ASD
At sa inyo naman, mga kapatid, huwag kayong magsawa sa paggawa ng mabuti.
3:14
ASD
Kung mayroon mang ayaw sumunod sa mga sinabi namin sa sulat na ito, tandaan nʼyo kung sino siya at iwasan para mapahiya siya.
3:15
ASD
Ngunit huwag nʼyo siyang ituring na kaaway, kundi paalalahanan siya bilang kapatid.
3:16
ASD
Nawaʼy ang Panginoon na pinagmumulan ng kapayapaan ang siya ring magbigay sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng pagkakataon, maging anuman ang kalagayan ninyo. At patnubayan nawa kayong lahat ng Panginoon.
3:17
ASD
Akong si Pablo ang mismong sumusulat ng pagbating ito. Ito ang palatandaan na ako ang sumulat ng liham na ito. Ganito ang sulat-kamay ko.
3:18
ASD
Sumainyong lahat nawa ang biyaya ng ating Panginoong Hesu-Kristo.