Eph弗 Mga Taga-Efeso以弗所书, kabanata章 Ang Sulat ni Pablo sa mga Taga-Efeso以弗所书, kabanata章 3

译本

Ang Plano ng Diyos sa mga Hindi Hudyo

Sa kadahilanang ito, akong si Pablo ay nakabilanggo ngayon dahil sa paglilingkod ko kay Kristo Hesus, sa pamamagitan ng pagtuturo ko sa inyong mga Hentil.Act 21:33

Siguradong nabalitaan ninyo na ipinagkatiwala sa akin ng Diyos ang pagpapahayag ng biyaya niya para sa inyo. Act 9:15; Gal 1:16Gaya ng nabanggit ko sa sulat na ito,3:3 Gaya … sulat na ito: O Gaya ng nabanggit ko sa isa kong sulat. ang Diyos mismo ang nagpahayag sa akin tungkol sa kanyang lihim na plano. Eph 1:9Habang binabasa ninyo ang sulat kong ito,3:4 Habang … sulat kong ito: O Kung mabasa ninyo ang sulat kong iyon. malalaman ninyo ang pagkakaunawa ko sa planong ito patungkol kay Kristo. Hindi inihayag ng Diyos ang planong ito sa mga tao noon, ngunit ipinahayag na niya ngayon sa mga banal3:5 banal: O pinili. na apostol at mga propeta sa pamamagitan ng Espiritu. 1Pe 1:12At ito nga ang plano ng Diyos: na sa pamamagitan ng Magandang Balita, ang mga Hentil ay tatanggap ng mga pangako ng Diyos kasama ng mga Hudyo, at magiging bahagi rin sila ng iisang katawan dahil sa pakikipag-isa nila kay Kristo Hesus.Rom 15:12

Dahil sa biyaya ng Diyos, naging tagapangaral ako ng Magandang Balitang ito sa pamamagitan ng kapangyarihan niya. Act 9:15Kahit ako ang pinakahamak sa lahat ng mga mananampalataya3:8 mananampalataya: Sa Griyego, hagios. Tingnan ang talababa sa 1:1. Ganito rin sa talata 18|EPH 3:18 at 19|EPH 3:19., ipinagkaloob pa rin sa akin ng Diyos ang pribilehiyong ipangaral sa mga Hentil ang hindi masukat na biyayang galing kay Kristo, Rom 15:19; 1Co 15:9; Gal 1:16at ipaliwanag sa lahat kung paano maisasakatuparan ang plano ng Diyos. Noong unaʼy inilihim ito ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay, 1Pe 1:20; Rom 16:25; 1Co 2:7; Col 1:26upang sa pamamagitan ng iglesya ay maipahayag ngayon sa mga namumuno at may kapangyarihan sa kalangitan ang karunungan niyang nahahayag sa ibaʼt ibang paraan. 1Pe 1:12Ito na ang plano niya sa simula pa lang, at natupad niya ito sa pamamagitan ni Kristo Hesus na Panginoon natin. Sa pananampalataya natin kay Kristo Hesus at pakikipag-isa sa kanya, tayo ngayon ay malaya nang makakalapit sa Diyos nang walang takot o pag-aalinlangan. Eph 2:18Kaya huwag sana kayong panghinaan ng loob dahil sa mga paghihirap na dinaranas ko, dahil ito sa ikabubuti3:13 ikabubuti: O ikararangal. ninyo.2Ti 2:10

Ang Pag-ibig ni Kristo

Kapag naiisip ko ang mga ito, lumuluhod ako at nananalangin sa Ama, ang manlilikha ng lahat ng nasa langit at nasa lupa.3:15 Sa literal ang siyang nagpangalan sa bawat pamilya sa langit at lupa. Eph 1:10Ipinapanalangin ko na sa kadakilaan ng kapangyarihan niya ay palakasin niya ang espirituwal ninyong pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang Espiritu Eph 1:7upang manahan si Kristo sa mga puso ninyo dahil sa inyong pananampalataya. Ipinapanalangin ko rin na maging matibay kayo at matatag sa pag-ibig ng Diyos, Jhn 14:23upang maunawaan ninyo at ng iba pang mga hinirang kung gaano kalawak, at kahaba, at kataas, at kalalim ang pag-ibig ni Kristo. Maranasan ninyo sana ito, kahit hindi ito lubusang maunawaan, upang maging ganap sa inyo ang katangian ng Diyos.Jhn 1:16; Col 2:9

Sa makakagawa ng higit pa sa hiniling o inaasahan natin sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang kumikilos sa atin, Rom 16:25purihin natin siya magpakailanman dahil sa mga ginawa niya para sa iglesya na nakay Kristo Hesus. Amen.