Jeremiáš 28 v různých překladech

Vyberte překlady k porovnání

Vyberte překlad, aby se přidal do seznamu; sloupce jdou v pořadí seznamu.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Čeština

Русский

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

한국어

हिन्दी

Čeština

  • Slovo na cestu

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Targum Onkelos (Etheridge)
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
28:1
ASD Noong taon ding iyon, nang ikalimang buwan ng ikaapat na taon ng paghahari ni Zedequias sa Juda, may sinabi sa akin si propeta Hananias na anak ni Azur na taga-Gibeon doon sa templo ng Panginoon, sa harap ng mga pari at mga taong naroroon. Sinabi niya,
28:2
ASD “Ito ang sinasabi ng Panginoon ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel, ‘Wawakasan ko na ang kapangyarihan ng hari ng Babilonia.
28:3
ASD Sa loob ng dalawang taon, ibabalik ko na rito ang lahat ng kagamitan sa Templo ng Panginoon na kinuha ni Haring Nebucadnezar at dinala sa Babilonia.
28:4
ASD Pababalikin ko rin dito si Haring Jehoyakin ng Juda na anak ni Jehoiakim at ang lahat ng taga-Juda na binihag sa Babilonia, dahil wawakasan ko na ang kapangyarihan ng hari ng Babilonia. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”
28:5
ASD Pagkatapos, sumagot si Propeta Jeremias kay Propeta Hananias roon sa harap ng mga pari at mga tao sa templo ng Panginoon.
28:6
ASD Sinabi niya, “Amen! Gawin sana iyon ng Panginoon! Sanaʼy gawin ng Panginoon ang sinabi mong dadalhin niya pabalik dito ang mga kagamitan ng templo at ang lahat ng bihag sa Babilonia.
28:7
ASD Ngunit pakinggan mo itong sasabihin ko sa iyo at sa lahat ng nakikinig dito.
28:8
ASD Ang mga propetang nauna sa atin ay nagsabi noon na darating ang digmaan, gutom, at sakit sa maraming bansa at mga tanyag na kaharian.
28:9
ASD Ngunit ang propetang magsasabi ng kapayapaan ay dapat mapatunayan. Kung mangyayari ang sinasabi niyang kapayapaan, kikilalanin siyang tunay na propeta ng Panginoon.”
28:10
ASD Pagkatapos, kinuha ni Propeta Hananias ang pamatok sa leeg ni Jeremias at kanyang binali.
28:11
ASD At sinabi ni Propeta Hananias sa mga taong naroroon, “Ito ang sinasabi ng Panginoon: Ang mga bansang sinakop ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia ay parang nilagyan niya ng pamatok. Ngunit sisirain ko ang pamatok na iyon sa loob ng dalawang taon.” Pagkatapos, umalis si Propeta Jeremias.
28:12
ASD Hindi nagtagal, pagkatapos baliin ni Propeta Hananias ang pamatok sa leeg ni Jeremias, sinabi ng Panginoon kay Jeremias,
28:13
ASD “Puntahan mo si Hananias at sabihin mo na ito ang sinasabi Panginoon: Binali mo ang pamatok na kahoy ngunit papalitan ko iyan ng pamatok na bakal.
28:14
ASD Ako, ang Panginoong Diyos ng mga Hukbo, ang Diyos ng Israel ay nagsasabing: Ipapapasan ko ang pamatok na bakal sa lahat ng bansa, upang maglingkod sila kay Haring Nebucadnezar ng Babilonia. Pati ang mababangis na hayop ay ipapasakop ko sa pamamahala niya.”
28:15
ASD Pagkatapos, sinabi ni Propeta Jeremias kay propeta Hananias, “Hananias, makinig ka! Hindi ka sinugo ng Panginoon, pero pinapaniwala mo ang bansang ito sa kasinungalingan mo.
28:16
ASD Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon, ‘Mawawala ka sa daigdig na ito. Mamamatay ka sa taon ding ito dahil tinuruan mo ang mga tao na magrebelde sa akin.’ ”
28:17
ASD Kaya noong ikapitong buwan ng taon ding iyon, namatay si Propeta Hananias.