Přísloví 23 v různých překladech

Vyberte překlady k porovnání

Vyberte překlad, aby se přidal do seznamu; sloupce jdou v pořadí seznamu.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Čeština

Русский

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

한국어

हिन्दी

Čeština

  • Slovo na cestu

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Targum Onkelos (Etheridge)
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
23:1
ASD Kapag kumakain ka kasalo ng taong may mataas na katungkulan, mag-ingat ka sa ikikilos mo.
23:2
ASD Kung palakain ka, pigilan mo ang iyong sarili.
23:3
ASD Huwag mong pagnasaan ang mga pagkaing kanyang inihanda, dahil inihain iyon upang linlangin ka.
23:4
ASD Huwag mong pahirapan ang sarili mo sa pagpapayaman. Maging matalino ka at ang sarili ay pigilan.
23:5
ASD Dahil ang kayamanan ay madaling mawala at tila may pakpak na lumilipad sa kalawakan tulad ng isang agila.
23:6
ASD Huwag kang kumain o matakam sa pagkain na inihanda ng taong kuripot, kahit ito ay masarap.
23:7
ASD Sapagkat ang taong ganyan bawat subo moʼy binabantayan. Sasabihin niya, “Sige, kumain ka pa.” Ngunit hindi pala ganoon ang nasa isip niya.
23:8
ASD Kaya lahat ng kinain moʼy isusuka mo at ang mga papuri mo sa kanya ay mababalewala.
23:9
ASD Huwag kang magsasalita sa hangal, sapagkat ang sasabihin mong karunungan sa kanya ay wala ring kabuluhan.
23:10
ASD Huwag mong agawin o sakupin ang lupa ng mga ulila sa pamamagitan ng paglilipat ng mga muhon na matagal nang nakalagay.
23:11
ASD Sapagkat ang kanilang makapangyarihang tagapagtanggol ay ang Panginoon. Siya ang magtatanggol sa kanila laban sa iyo.
23:12
ASD Makinig ka kapag itinutuwid ang iyong pag-uugali upang ikaw ay matuto.
23:13
ASD Huwag kang magpapabaya sa pagdidisiplina sa iyong anak.
23:14
ASD Ang tamang pagpalo ay hindi niya ikamamatay kundi makapagliligtas pa sa kanya sa kamatayan.
23:15
ASD Anak, kung may dunong ang iyong puso, ang puso koʼy magagalak din.
23:16
ASD Tunay ngang magagalak ang aking kalooban kung ang mga salitang lalabas sa labi moʼy mula sa karunungan.
23:17
ASD Huwag kang maiinggit sa mga makasalanan, sa halip igalang mo ang Panginoon habang nabubuhay ka.
23:18
ASD At kung magkagayon ay gaganda ang kinabukasan mo at mapapasaiyo ang mga hinahangad mo.
23:19
ASD Anak, pakinggan mo ang itinuturo ko sa iyo. Maging matalino ka at sundin mo ang tamang daan.
23:20
ASD Huwag kang makikisama sa mga hayok sa alak o sa mga matatakaw sa pagkain,
23:21
ASD sapagkat ang mga lasenggo at matatakaw ay hahantong sa kahirapan, at dahil tulog sila nang tulog, sa bandang huliʼy magdadamit sila ng basahan.
23:22
ASD Makinig ka sa iyong ama na pinanggalingan ng iyong buhay, at huwag mong hamakin ang iyong ina kapag siya ay matanda na.
23:23
ASD Pagsikapan mong mapasaiyo ang katotohanan, karunungan, magandang pag-uugali at pang-unawa. At huwag mo itong ipagpapalit sa anumang bagay.
23:24
ASD Matutuwa ang iyong mga magulang kung matuwid ka at matalino.
23:25
ASD Ikaliligaya nilang sila ang naging iyong ama at ina.
23:26
ASD Anak, makinig kang mabuti sa akin at tularan mo ang aking pamumuhay.
23:27
ASD Sapagkat ang babaeng bayaran ay isang malalim na hukay, at ang asawang nangangaliwa ay makitid na balon.
23:28
ASD Para siyang tulisan na nag-aabang ng mabibiktima, at siya ang dahilan ng pagtataksil ng maraming lalaki sa kanilang mga asawa.
23:29
ASD Sino ang may hinagpis? Sino ang may kalungkutan? Sino ang mahilig sa away? Sino ang mareklamo? Sino ang nasugatan na dapat sana ay naiwasan? At sino ang may mga matang namumula?
23:30
ASD Sino pa kundi ang mga lasenggong sugapa sa ibaʼt ibang klase ng alak!
23:31
ASD Huwag kang matakam sa alak na napakagandang tingnan sa isang baso at tila masarap ang pasok sa lalamunan.
23:32
ASD Sa bandang huli, kapag ikaw ay nalasing na, parang natuklaw ka ng ulupong, at nalason ng kamandag nito.
23:33
ASD Kung anu-ano ang makikita mo at hindi ka makakapag-isip ng mabuti.
23:34
ASD Pakiramdam moʼy nasa gitna ka ng dagat at nakahiga sa ibabaw ng palo ng barko.
23:35
ASD Sasabihin mo, “May humampas at sumuntok sa akin, ngunit hindi ko naramdaman. Kailan kaya mawawala ang pagkalasing ko upang muli akong makainom?”