Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 49
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ng mga anak ni Kora.
Makinig kayo, lahat ng bansa,
kayong lahat na nananahan dito sa mundo!
Dakila ka man o aba,
mayaman ka man o dukha, makinig ka,
dahil magsasalita ako na puno ng karunungan,
at puno rin ng pang-unawa
ang aking kaisipan.
Itutuon ko ang aking pansin sa mga kawikaan,
at ipapaliwanag ko ang kahulugan nito,
habang tinutugtog ko ang alpa.Psa 78:2; Mat 13:35
Bakit ako matatakot
kung may parating na panganib,
o kung akoʼy mapaligiran ng aking mga kaaway?
Sila ay nagtitiwala sa kanilang kayamanan
at dahil dito ay nagmamayabang.Job 36:18; Psa 52:7; Pro 11:4
Ngunit walang may kakayahang tubusin
ang kanyang sarili mula sa kamatayan,
kahit magbayad pa siya sa Diyos.1Jn 3:16
Dahil napakamahal ang pagtubos sa isang buhay;
hindi sapat ang anumang pambayadMat 16:26; Mrk 8:37; 1Pe 1:19
upang ang taoʼy mabuhay magpakailanman,
at hindi na mamatay.
Nakikita nga ng lahat,
na kahit ang marurunong ay namamatay,
ganoon din ang mga matitigas
ang ulo at mga hangal.
At maiiwan nila sa iba ang kanilang kayamanan.Pro 11:4; Ecc 2:16; Ecc 6:2
Ang kanilang libingan
ay magiging bahay nila magpakailanman.
Doon sila mananahan,
kahit may mga lupaing nakapangalan sa kanila.
Kahit tanyag ang tao, hindi siya magtatagal;
mamamatay din siya katulad ng hayop.Ecc 3:19
Ganito rin ang kahihinatnan ng taong nagtitiwala sa sarili,
na nasisiyahan sa sariling pananalita.
Silaʼy nakatakdang mamatay.
Tulad sila ng mga tupa na ginagabayan ng kamatayan patungo sa libingan.49:14 libingan: O Sheol.
(Pagsapit ng umaga, pangungunahan sila ng mga matuwid.)
Mabubulok ang kanilang bangkay sa libingan,
malayo sa dati nilang tirahan.Isa 14:11; Rev 2:27
Ngunit tutubusin naman ako ng Diyos
mula sa kapangyarihan ng kamatayan.
Tiyak na ililigtas niya ako.Psa 16:10
Huwag kang mangamba
kung yumayaman ang iba
at ang kanilang kayamanan
ay lalo pang nadadagdagan,
dahil hindi nila ito madadala kapag silaʼy namatay.
Ang kanilang kayamanan
ay hindi madadala sa libingan.Job 27:18
Sa buhay na ito, itinuturing nila na pinagpala sila ng Diyos,
at pinupuri din sila ng mga tao
dahil nagtagumpay sila.Deu 29:19
Ngunit makakasama pa rin sila
ng kanilang mga ninunong namatay na,
doon sa lugar na hindi sila makakakita ng liwanag.
Ang taong mayaman na hindi
nakakaunawa ng katotohanan