Isa IsaiasÉzsaiás, kabanatafejezet Ang Aklat ni IsaiasÉzsaiás próféta könyve, kabanatafejezet 21

Fordítások

Ang Pahayag Laban sa Babilonia

Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Babilonia21:1 Babilonia: Sa literal, ilang na malapit sa tabing-dagat.:

Sasalakay ang mga kaaway

na parang buhawi.

Dadaan ito sa Negeb mula sa ilang,

sa nakakapangilabot na lupain.

Nakita ko ang isang kakila-kilabot

na pangitain

tungkol sa kataksilan at kapahamakan.

Kayong mga taga-Elam at taga-Media,

palibutan ninyo ang Babilonia

at salakayin!

Wawakasan na ng Diyos

ang pagpapahirap niya sa ibang bansa.Isa 22:6; Jer 49:35; Act 2:9

Dahil ditoʼy nakadama ako

ng matinding kirot sa balakang,

sumakit ang aking katawan

tulad ng babaeng manganganak.

Nalugmok ako sa aking narinig

at nagulantang ako

sa aking nakita.Jer 4:19; Mic 1:8; Isa 13:8

Kinakabahan ako

at nanginginig sa takot.

Sanaʼy makapagpahinga ako

paglubog ng araw,

ngunit hindi maaari,

dahil takot ako sa maaaring mangyari.Isa 15:5

Naghahanda sila ng piging.

Inilalatag ang mga alpombrang

uupuan ng mga tao.

Lahat silaʼy kumakain at umiinom.

Dali! Tumindig kayo, mga pinuno ng hukbo;

ihanda ang inyong mga kalasag!Jer 6:4

Sinabi sa akin ng Panginoon,

“Pumunta ka at maglagay

ng tagapagbantay sa lungsod

na magbabalita ng makikita niya.Psa 121:4

Kapag nakakita siya ng mga karwaheng

hila-hila ng magkapares na kabayo,

at mga nakasakay sa asno

o di kayaʼy nakasakay sa mga kamelyo,

dapat siyaʼy handa, handang-handa.”

Sumigaw ang bantay,

“Panginoon, araw-gabiʼy

nagbabantay po ako sa tore.Hab 2:1

At ngayon, tingnan ninyo!

May taong dumarating

na nakasakay sa karwahe

na hila-hila ng dalawang kabayo.”

At sinabi pa ng bantay,

“Bumagsak na!

Bumagsak na ang Babilonia!

Ang lahat ng imahen

ng diyos-diyosan nito

ay bumagsak at nagkabasag-basag sa lupa.”Jer 51:8; Rev 14:8; Rev 18:2; Rev 18:10

Mga kapwa kong mga Israelita,

na parang mga trigong ginigiik21:10 na parang mga trigong ginigiik: Ang ibig sabihin ay dadanas ng matinding hirap.,

sinasabi ko sa inyo ang mga bagay

na aking napakinggan

mula sa Panginoon ng mga Hukbo,

mula sa Diyos ng Israel.Isa 25:10; Jer 51:33; Mic 4:13

Ang Pahayag Laban sa Edom

Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Edom21:11 Edom: Sa Hebreo, Duma na ang ibig sabihin ay katahimikan.:

May taga-Edom na tumatawag sa akin,

Tagapagbantay,

malayo pa ba ang umaga?

Kailan matatapos ang gabing ito?

Sumagot ako,

“Mag-uumaga na

ngunit sasapit na naman ang gabi.

Kung nais mong magtanong muli,

bumalik ka para magtanong.”

Ang Pahayag Laban sa Arabia

Ang pahayag na itoʼy tungkol sa Arabia:

Kayong mga mamamayan ng Dedan,

na pulu-pulutong na naglalakbay

at nagkakampo

sa mga ilang ng Arabia,Jer 25:23

dalhan ninyo ng tubig

ang mga nauuhaw.

Kayong mga nakatira sa Tema,

bigyan ninyo ng pagkain

ang mga taong nagsitakas

mula sa kani-kanilang mga lugar.Gen 25:3; Gen 25:15

Tumakas sila

mula sa mahigpit na labanan

at hinahabol sila

ng kanilang mga kaaway

na may mga espada at mga pana.

Sinabi ng Panginoon sa akin, “Sa loob ng isang taon magwawakas ang kapangyarihan ng Kedar. Isa 16:14; Jer 49:28Kakaunti ang matitira sa matatapang niyang sundalo na gumagamit ng pana.” Ito ang sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.Isa 22:25; Isa 25:8