Num Mga Bilang, kabanata Ang Aklat ng Mga Bilang, kabanata 11
Ang Apoy mula sa Panginoon
Nagreklamo ang mga Israelita kay Moises dahil sa hirap na kanilang dinaranas. Nang marinig ito ng Panginoon, nagalit siya at nagpadala siya ng apoy na sumunog sa ilang dulong bahagi ng kampo. Num 21:4; Lev 10:2; Psa 78:21Dahil dito, humingi ng tulong ang mga Israelita kay Moises, at nanalangin si Moises sa Panginoon, at namatay ang apoy. Amo 7:5Kaya ang lugar na iyon ay pinangalanang Tabera,11:3 Tabera: Ang ibig sabihin, nagliliyab o nasusunog. dahil nagpadala ang Panginoon ng apoy sa kanila.Deu 9:22
Ang mga Pugo mula sa Panginoon
May mga grupo ng dayuhan na sumáma sa mga Israelita na naghahanap ng mga pagkaing gusto nilang kainin, at sumali pati ang mga Israelita na nagreklamo ulit na nagsasabi, “Kung may karne sana tayong kakainin! Exo 12:38; 1Co 10:6Noong nasa Ehipto tayo, naaalala ko na nakakakain tayo ng isda nang walang bayad. Hindi baʼt nakakakain rin tayo ng mga pipino, melon, sibuyas at bawang? Ngunit dito wala tayong ganang kumain;11:6 Ngunit dito wala tayong ganang kumain: O Ngunit dito nanghihina tayo. wala tayong ibang makain kundi manna.”Num 21:5
Ang “manna” ay parang mga buto ng kulantrong maliliit at mapuputi. Exo 16:14; Psa 78:24; Jhn 6:31; 1Co 10:3Pinupulot ito ng mga Israelita sa lupa tuwing umaga at ginigiling nila ito o binabayo sa lusong. Pagkatapos, niluluto nila ito sa banga at ginagawang manipis na tinapay. Ang lasa nito ay katulad ng tinapay na niluto sa langis ng olibo.Exo 16:14
Narinig ni Moises ang reklamo ng bawat pamilya sa pintuan ng kanilang mga tolda. Kaya nagalit nang matindi ang Panginoon sa kanila, at dahil ditoʼy nabahala si Moises. Nagtanong siya sa Panginoon, “Bakit nʼyo po ako binigyan na inyong lingkod ng malaking problema? Ano po ba ang ginawa ko na hindi kayo natuwa kaya ibinigay ninyo sa akin ang problema ng mga taong ito? Ako ba ang nagbuntis sa kanila? Ako ba ang nagsilang sa kanila para sabihin ninyong kargahin ko sila katulad ng pagkarga ng isang yaya sa alaga niyang bata, at dalhin sila sa lupaing ipinangako ninyo sa kanilang mga ninuno? Deu 1:35Saan po ba ako kukuha ng karne para sa mga taong ito? Dahil patuloy ang pagrereklamo nila sa akin na bigyan ko sila ng karneng makakain nila. Hindi ko po sila kayang alagaang lahat nang mag-isa. Napakahirap nito para sa akin. Deu 1:19Kung ganito lang po ang pagtrato ninyo sa akin, patayin nʼyo na lang ako ngayon. Kung nalulugod kayo sa akin, huwag ninyo akong pabayaang magdusa.”Exo 32:32
Kaya sinabi ng Panginoon kay Moises, “Tipunin mo ang pitumpu sa mga tagapamahala ng Israel na kilalang-kilala mo na mga pinuno ng mga mamamayan, at papuntahin sila sa Toldang Tipanan at patayuin sila doon kasama mo. Exo 18:21; Num 16:25Bababa ako at makikipag-usap sa iyo doon. Kukuha ako ng espiritung nasa iyo at ibabahagi ko sa kanila upang makatulong sila sa pamamahala ng mga tao para hindi lang ikaw mag-isa ang namamahala.1Co 12:4; Exo 18:26
“Pagkatapos, sabihin mo sa mga tao: ‘Linisin ninyo ang inyong sarili11:18 linisin ninyo ang inyong sarili: Ang ibig sabihin, sundin nila ang seremonya ng pagiging malinis. dahil bukas, may makakain na kayong karne.’ Narinig ng Panginoon ang inyong mga reklamo, ‘Kung may karne sana tayong kakainin! Mas mabuti pa ang buhay natin sa Ehipto!’ Kaya bukas, bibigyan kayo ng Diyos ng karne at makakakain kayo. Exo 19:10Hindi lang isang araw, o dalawa, o lima, o sampu, o dalawampung araw ang pagkain ninyo nito, kundi isang buwan, hanggang sa magsawa kayo11:20 magsawa kayo: Sa literal, magsilabas ito sa inyong mga ilong. at hindi na kayo makakain nito. Dahil itinakwil ninyo ang Panginoon na sumasama sa inyo, at nagreklamo kayo sa kanya na sinasabi, ‘Sanaʼy hindi na lang kami umalis sa Ehipto.’ ”Num 21:5
Ngunit sumagot si Moises sa Panginoon, “Ang lahat ng taong kasama ko ay nasa 600,000, at ngayoʼy sinasabi po ninyo na bibigyan ninyo sila ng karne na kanilang kakainin sa loob ng isang buwan? Num 20:10; Mat 14:15; Jhn 6:5Kahit po katayin pa namin ang lahat ng tupa at baka o kahit hulihin pa namin ang mga isda sa dagat, hindi po ito magkakasya sa kanila.”Mat 15:33; Mrk 8:4
Sinabi ng Panginoon kay Moises, “May hangganan ba ang aking kapangyarihan? Makikita mo ngayon kung mangyayari ang sinabi ko o hindi.”Isa 50:2; Isa 59:1
Kaya lumakad si Moises at sinabi sa mga tao ang sinabi ng Panginoon. Tinipon niya ang pitumpung tagapamahala at pinatayo sa palibot ng Tolda. Pagkatapos, bumaba ang Panginoon sa pamamagitan ng ulap at nakipag-usap kay Moises. Kumuha siya ng espiritung na kay Moises at ibinahagi sa pitumpung tagapamahala. At nang matanggap nila ito, nagsalita sila kagaya ng mga propeta ngunit hindi na ito nangyari pang muli.Num 12:5; 1Sa 10:6; Jol 2:28
Ang dalawa sa pitumpung tagapamahala na sina Eldad at Medad ay nagpaiwan sa kampo at hindi pumunta sa Tolda. Ngunit natanggap din nila ang kapangyarihan at nagsalita rin sila na kagaya ng mga propeta. May isang binata na nagtatakbo papunta kay Moises at sinabi na nagsasalita sina Eldad at Medad doon sa kampo na kagaya ng mga propeta.
Sinabi ni Josue na anak ni Nun, na naging katulong ni Moises mula noong bata pa ito, “Panginoon, patigilin po ninyo sila.”Num 13:8; 1Th 5:19
Ngunit sumagot si Moises, “Nababahala ka ba kung ano ang magiging resulta nito sa aking pagkapinuno? Kung sa akin lang, gusto kong bigyan ng Panginoon ng kapangyarihan ang lahat ng mamamayan at makapagsalita sila kagaya ng mga propeta.” Pagkatapos, bumalik sa kampo si Moises at ang mga tagapamahala ng Israel.
Ngayon, nagpadala ang Panginoon ng hangin na nagdala ng mga pugo mula sa dagat. Lumipad-lipad sila sa palibot ng kampo at ibinagsak sa lupa; mga tatlong talampakan ang taas ng bunton nito at mga ilang kilometro ang lawak ng ibinunton na mga pugo. Exo 16:13; Psa 78:27; Psa 105:40Kaya nang araw na iyon at nang sumunod pang araw, nanghuli ang mga tao ng mga pugo araw at gabi. Walang nakakuha nang bababa pa sa isang libong kilong pugo at ibinilad nila ito sa palibot ng kampo. Ngunit habang nginunguya pa nila ang karne at hindi pa nalululon ito, nagalit ang Panginoon sa kanila, at pinadalhan sila ng salot.Psa 78:30
Kaya tinawag ang lugar na iyon na Kibrot Hataava11:34 Kibrot Hataava: Ang ibig sabihin, libingan ng mga matatakaw. dahil doon inilibing ang mga taong matatakaw sa karne.
Mula roon, naglakbay ang mga Israelita sa Hazerot, at doon nagkampo.Num 12:16