Pro Mga Kawikaan, kabanata Mga Kawikaan, kabanata 21
Ang isipan ng hari ay parang ilog
na pinapadaloy ng Panginoon
saan man niya naisin.2Ch 36:22
Inaakala ng tao na tama
ang lahat ng kanyang ginagawa,
ngunit sinisiyasat ng Panginoon
kung ano ang nasa puso.Pro 16:2
Ang paggawa ng matuwid at makatarungan
ay kalugod-lugod sa Panginoon
kaysa sa paghahandog.Hos 6:6
Ang mapagmataas na mata
at mayabang na puso,
ang ilaw21:4 ilaw: O lupang hindi pa nabubungkal o naararo. ng mga masasama
ay kasalanan.
Ganyan ang ugali
ng mga taong makasalanan.
Ang gawaing plinanong mabuti
at pinagsikapan
ay patungo sa kaunlaran,
ngunit ang gawaing padalos-dalos
ay maghahatid ng karalitaan.Pro 10:4
Ang kayamanang nakuha sa pandaraya
ay madaling mawala
at maaaring humantong
sa maagang kamatayan.
Ang karahasan ng masasamâ
ang magpapahamak sa kanila,
sapagkat ayaw nilang gawin ang tama.
Hindi matuwid ang gawain
ng taong may kasalanan,
ngunit matuwid ang gawain
ng taong walang kasalanan.
Mas mabuti pang tumirang mag-isa
sa bubungan ng bahay21:9 Ang mga bahay noon sa Israel ay may patag na bubong.
kaysa sa loob ng bahay
na ang kasama
ay asawang palaaway.Pro 25:24
Ang masasamâ
ay laging gustong gumawa ng masama
at sa kanilang kapwa
ay wala silang awa.
Kapag ang manunuya
ay pinarusahan mo,
ang mga wala sa katinuan
ay matututo.
Kapag ang marunong naman
ang tinuruan mo,
lalo siyang magiging matalino.Pro 19:25
Alam ng matuwid na Diyos
kung ano ang ginagawa
ng sambahayan ng masasamâ,
at parurusahan niya sila.
Ang hindi pumansin sa daing ng mahirap,
kapag siya naman ang dumaing
ay walang lilingap.Pro 3:27
Kapag ang kapwa mo ay may galit sa iyo,
mawawala iyon sa palihim na regalo.1Sa 25:18
Kapag katarungan ang umiiral,
ang mga matuwid ay natutuwa,
ngunit natatakot ang masasama.
Ang taong lumilihis sa karunungan
ay hahantong sa kamatayan.
Ang taong maluho at puro pagdiriwang
ay hindi yayaman
kundi lalo pang maghihirap.Pro 23:21
Pinarurusahan ang masasama
at makasalanan
upang iligtas ang taong matuwid.
Mas mabuti pang manirahan sa disyerto
kaysa manirahan sa bahay na kasama
ang asawang magagalitin at palaaway.Pro 25:24
Ang taong marunong ay pinaghahandaan
ang kanyang kinabukasan,
ngunit ang mangmang,
winawaldas ang lahat
hanggang sa maubusan.
Ang taong namumuhay
sa katuwiran at kabutihan
ay hahaba ang buhay,
magtatagumpay at pararangalan.Pro 19:17
Mapapasuko ng matalinong pinuno
ang bayan na maraming sundalo,
at kaya niyang gibain ang mga pader
na kanilang inaasahang tanggulan.Ecc 9:16
Ang taong nag-iingat
sa kanyang mga sinasabi
ay nakakaiwas sa gulo.
Ang taong palalo at mayabang
ay makikilala mo
dahil nangungutya siya
at sukdulan ang kayabangan.
Kung marami kang ninanais
ngunit tamad kang magtrabaho,
iyon ang sisira sa iyo.
Ang taong tamad
ay laging naghahangad na makatanggap,
ngunit ang taong matuwid
ay nagbibigay nang walang alinlangan.Psa 37:26
Kinasusuklaman ng Panginoon
ang handog ng taong masama,
lalo na kung ihahandog niya ito
nang may layuning masama.Pro 15:8
Patitigilin sa pagsasalita
ang saksing bulaan,
ngunit ang saksing nagsasabi
ng totoo ay pakikinggan.Pro 19:5; Pro 19:9
Ang taong masama ay hindi pinag-iisipan
ang kanyang ginagawa,
ngunit ang taong matuwid
ay pinag-iisipan muna nang mabuti
ang kanyang ginagawa.
Walang karunungan,
pang-unawa o payo
ang makakapantay sa Panginoon.Ezk 28:5; Job 5:13
Kahit nakahanda na ang mga kabayo
para sa digmaan,
ang Panginoon pa rin
ang nagbibigay ng katagumpayan.Psa 33:17