PsaSal Mga SalmoSalmi, salmo Mga SalmoLibro dei Salmi, salmo 3

Traduzioni Confronta

Awit na isinulat ni David nang takasan niya ang kanyang anak na si Absalom.2Sa 15:14

Panginoon, kay dami kong kaaway;

kay daming kumakalaban sa akin!

“Hindi siya ililigtas ng Diyos.”

Iyan ang sinasabi ng karamihan tungkol sa akin.

Ngunit kayo Panginoon ang aking kalasag.

Pinagtatagumpay ninyo ako,

at ibinabalik ang aking pag-asa.Psa 28:7

Tumawag ako sa inyo, Panginoon

at sinagot nʼyo ako

mula sa inyong banal na bundok.

At dahil iniingatan nʼyo ako,

nakakatulog ako at nagigising pa.

Hindi ako matatakot

kahit ilang libo pang kaaway

ang nakapalibot sa akin.Luk 12:4

Pumarito kayo, Panginoon!

Iligtas nʼyo ako, Diyos ko,

dahil noon ay inilagay nʼyo sa kahihiyan

ang lahat ng mga kaaway ko,

at inalis mo sa mga masamang tao

ang kanilang kakayahang saktan ako.

Kayo, Panginoon, ang nagliligtas.

Kayo rin po ang nagpapala

sa inyong mga mamamayan.Isa 43:11; Hos 13:4