PsaPs Mga SalmoPsalmów, salmopsalm Mga SalmoKsięga Psalmów, salmopsalm 72

Przekłady

Awit na isinulat ni Solomon.

O Diyos, ituro nʼyo po sa hari

ang iyong pamamaraan sa paghatol

at katuwiran,Dan 7:27; Isa 11:5

upang makatarungan siyang makapaghatol

sa inyong mga mamamayan,

pati na sa mga dukha.Isa 32:1

Sumagana sana ang mga kabundukan

upang mapagpala ang inyong mga mamamayan

dahil matuwid ang hari.1Ki 4:24; Eph 2:14

Tulungan nʼyo siyang maipagtanggol

ang mga dukha

at durugin ang mga umaapi sa kanila.Psa 45:4; Isa 11:4

Nawaʼy katakutan ka nila72:5 Sa ibang manuskrito, Manatili sana sila., magpakailanman,

hanggang ang araw ay sumisikat,

hanggang ang buwan ay naroon sa kalangitan.Jer 31:36

Ang hari sanaʼy maging tulad ng ulan

na bumubuhos sa parang,

ulan na dumidilig sa kalupaan.Jdg 6:36; 2Sa 23:4

Umunlad sana ang buhay ng mga matuwid

sa panahon ng kanyang pamumuno,

at maging maayos ang kalagayan ng tao

hanggang sa wakas ng panahon.Isa 35:1; Hos 14:5

Lumawak sana nang lumawak

ang kanyang kaharian,72:8 Lumawak … kaharian: Sa literal, Maghari sana siya mula sa dagat hanggang sa dagat.

mula sa ilog ng Eufrates

hanggang sa pinakadulo ng mundo.72:8 mundo: O Israel.1Ki 4:21

Magpasakop sana sa kanya

ang mga kaaway niyang nakatira sa ilang.

Magbigay sana ng buwis sa kanya

ang mga hari ng Tarsis,

at mga kaloob ang mga hari

ng Sheba at Seba.Psa 45:12

Magpasakop sana sa kanya

ang lahat ng hari

at ang lahat ng bansa ay maglingkod sa kanya.Psa 22:29; Rev 21:24

Inililigtas niya ang mga dukha

na humihingi ng tulong,

gayundin ang mga mahihirap

na walang tumutulong.

Kahahabagan niya ang mga dukha

at nangangailangan

at silaʼy kanyang tutulungan.Jhn 5:7

Ililigtas niya sila sa mga malulupit

at mapang-api

dahil para sa kanya,

ang buhay nilaʼy mahalaga.

Mabuhay sana ang hari nang matagal.

Sanaʼy mabigyan siya ng ginto

mula sa Sheba.

Sanaʼy idalangin palagi ng mga tao

na pagpalain siya ng Diyos.Isa 53:10; Heb 7:16

Sumagana sana ang ani sa lupain

maging sa tuktok ng bundok,

katulad ng mga ani sa Lebanon.

Dumami rin sana ang mga tao

sa mga lungsod,

kasindami ng damo sa mga parang.Isa 27:6; Hos 14:5; Zec 10:8

Huwag sanang malimutan

ang pangalan ng hari

magpakailanman,

habang sumisikat pa ang araw.

Sa pamamagitan sana niya

ay pagpalain ng Diyos ang lahat ng bansa,

at sabihin sana ng mga ito

na siyaʼy pinagpala ng Diyos.Gen 12:3; Gal 3:8; Gal 3:16

Purihin ang Panginoong Diyos,

ang Diyos ng Israel,

na siyang tanging nakagagawa

ng mga bagay

na kamangha-mangha.1Ch 16:36; Luk 1:68

Purihin ang kanyang dakilang pangalan

magpakailanman!

Mahayag sana sa buong mundo

ang kanyang kaluwalhatian.

Amen! Amen!Isa 6:3

Dito nagwawakas ang mga panalangin ni David

na anak ni Jesse.