Ang Mangangaral 3 sa iba't ibang salin

Piliin ang mga salin na paghahambingin

Pumili ng salin para idagdag ito sa listahan; sinusunod ng mga hanay ang pagkakasunod-sunod ng listahan.

  1. Ang Salita ng Diyos

Tagalog

Русский

Čeština

Беларуская

English

Українська

Deutsch

Polski

Español

Português

Türkçe

中文

Français

Italiano

Српски / Srpski

Hrvatski

Svenska

Magyar

Cebuano

Hiligaynon

Nederlands

Tiếng Việt

ไทย

한국어

हिन्दी

Русский

  • Десницкий
  • Кассиан

English

  • African International (Paraphrase, American)
  • African International (Paraphrase, British)
  • African International (Literal, American)
  • African International (Literal, British)
  • Majority Text
  • Targum Onkelos (Etheridge)
  • Text-Critical English

Українська

  • Новий Переклад

Deutsch

  • Byzantinischer Text

Polski

  • Słowo Życia

Español

  • Biblia Libre (Nuevo Testamento)

Português

  • Tradução para Tradutores

Türkçe

  • Temel Tercüme

中文

  • 易读圣经

Ἀρχαία Ἑλληνική

  • Textus Receptus
  • Patriarchal 1904
  • Solid Rock
  • Family 35
  • Text-Critical Greek

Hrvatski

  • Knjiga o Kristu

Čeština

  • Slovo na cestu

Eesti

  • Kaasaegne eesti

Magyar

  • Élet, igazság és világosság

Slovenčina

  • Nádej pre každého

Suomi

  • Elävä uutinen

Norsk bokmål

  • En Levende Bok

Íslenska

  • Lifandi Orð

Nederlands

  • Gods Boek

Български

  • Съвременен

Bahasa Indonesia

  • Mudah Dibaca
Ang Salita ng Diyos
3:1
ASD Ang bawat pangyayari ay may dahilan, at ang lahat ng bagay ay may nakatakdang oras sa mundong ibabaw.
3:2
ASD May oras ng pagsilang at may oras ng kamatayan; may oras ng pagtatanim at may oras ng pag-aani.
3:3
ASD May oras ng pagpatay at may oras ng pagpapagaling; may oras ng pagsira at may oras ng pagpapatayo.
3:4
ASD May oras ng pagluha at may oras ng pagtawa; may oras ng pagluluksa at may oras ng pagdiriwang.
3:5
ASD May oras ng pagkakalat ng bato at may oras ng pagtitipon nito; may oras ng pagsasama at may oras ng paghihiwalay.
3:6
ASD May oras ng paghahanap at may oras ng paghinto ng paghahanap; may oras ng pagtatago at may oras ng pagtatapon.
3:7
ASD May oras ng pagpunit at may oras ng pagtahi; may oras ng pagtahimik at may oras ng pagsasalita.
3:8
ASD May oras ng pagmamahal at may oras ng pagkagalit; may oras ng digmaan at may oras ng kapayapaan.
3:9
ASD Ano ang mapapala ng manggagawa sa kanyang pinaghirapan?
3:10
ASD Nakita ko ang mga gawaing itinakda ng Diyos para sa tao.
3:11
ASD At lahat ng ito ay itinadhana ng Diyos na mangyari sa takdang panahon. Binigyan niya tayo ng pagnanais na malaman ang hinaharap, pero hindi talaga natin mauunawaan ang mga ginawa niya mula noong simula hanggang wakas.
3:12
ASD Naisip ko na walang pinakamabuting gawin ang tao kundi magsaya at gumawa ng mabuti habang nabubuhay.
3:13
ASD Gusto ng Diyos na kumain tayo, uminom at magpakasaya sa mga pinaghirapan natin dahil ang mga bagay na itoʼy regalo niya sa atin.
3:14
ASD Alam kong ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay magpapatuloy magpakailanman at wala tayong maaaring idagdag o ibawas dito. Ginagawa ito ng Diyos para magkaroon tayo ng paggalang sa kanya.
3:15
ASD Ang mga nangyayari ngayon at ang mga mangyayari pa lang ay nangyari na noon. Inuulit lang ng Diyos ang mga pangyayari.
3:16
ASD Nakita ko rin na ang kasamaan ang naghahari rito sa mundo sa halip na katarungan at katuwiran.
3:17
ASD Sinabi ko sa sarili ko, “Hahatulan ng Diyos ang matutuwid at masasamang tao, dahil may itinakda siyang oras sa lahat ng bagay.”
3:18
ASD Sinabi ko rin sa aking sarili, “Sinusubok ng Diyos ang mga tao para ipakita sa kanila na tulad sila ng mga hayop.
3:19
ASD Ang kapalaran ng tao ay tulad ng sa hayop; pareho silang mamamatay. Pareho silang may hininga, kaya walang inilamang ang tao sa hayop. Talagang walang kabuluhan ang lahat!
3:20
ASD Iisa lang ang patutunguhan ng lahat. Lahat ay nagmula sa lupa at sa lupa rin babalik.
3:21
ASD Sino ang nakakaalam kung ang espiritu ng taoʼy umaakyat sa itaas at ang espiritu ng hayop ay bumababa sa ilalim ng lupa?”
3:22
ASD Kaya naisip ko na ang pinakamabuting gawin ng tao ay magpakasaya sa pinaghirapan niya, dahil para sa kanya iyon. Walang sinumang makapagsasabi sa kanya kung ano ang mangyayari kapag siya ay namatay.