ProВыс Mga KawikaanВыслоўі, kabanataраздзел Mga KawikaanКніга выслоўяў Саламонавых, kabanataраздзел 13

Пераклады Параўнаць

Ang matalinong anak ay nakikinig

sa pangaral ng kanyang ama,

ngunit ang mapangkutyang anak

ay hindi nakikinig kapag sinasaway siya.Pro 15:12

Ang taong nagsasalita ng mabuti

ay gagantihan ng mabuting bagay,

ngunit ang salita ng taong hindi tapat

ay gagantihan ng karahasan.Pro 12:14

Ang taong maingat sa pagsasalita

ay nag-iingat ng kanyang buhay.

Ngunit ang taong madaldal,

dulot sa sarili ay kapahamakan.Pro 18:20; 1Pe 3:10

Ang puso ng tamad

ay puno ng hangarin,

na hindi niya makakamtan,

ngunit ang inaasam ng masipag

ay tiyak na matutugunan.Pro 21:25

Ang taong matuwid

ay namumuhi sa kasinungalingan,

ngunit ang taong masama

ay gumagawa ng mga bagay

na kahiya-hiya.Psa 119:163

Ang taong walang kapintasan

ay iingatan dahil sa kanyang

matuwid na pamumuhay,

ngunit ang makasalanan

ay mapapahamak

dahil sa kanyang kasamaan.

May mga taong nagkukunwaring mayaman

ngunit mahirap naman,

at may mga nagkukunwaring mahirap

ngunit mayaman naman.Pro 12:9

Ang taong mayaman

ay may pantubos ng kanyang buhay,

ngunit ang taong mahirap

ay hindi man lang pinagtatangkaan.Pro 10:15

Ang buhay ng taong matuwid

ay parang ilaw na maliwanag,

ngunit ang buhay ng masama

ay parang ilaw na namatay.Pro 24:20; Psa 37:21

Ang kayabangan ay humahantong

sa kaguluhan at pagtatalo,

ngunit ang nakikinig sa payo

ay nagpapahiwatig ng karunungan.

Ang kayamanang nakuha

sa pandaraya

ay madaling nawawala,

ngunit ang kayamanang pinaghirapan

ay pinagpapala.Pro 28:8

Ang hangaring naantala

ay nakapanghihina,

ngunit ang hangaring natupad

ay nakapagpapalakas at nakapagpapasigla.13:12 nakapagpapalakas at nakapagpapasigla: Sa literal, punongkahoy na nagbibigay ng buhay.

Ang taong tumatanggi

sa turo at utos sa kanya

ay mapapahamak,

ngunit ang sumusunod dito

ay gagantimpalaan.Pro 1:24; Hos 4:6

Ang mga turo ng taong matalino

ay bukal ng buhay,

ilalayo ang tao sa bitag ng kamatayan.

Ang taong may mabuting pang-unawa

ay iginagalang,

ngunit ang taong taksil

ay kapahamakan ang kahahantungan.Pro 10:11

Ang taong maalam,

itinatago ang karunungan

ngunit ang taong hangal,

inilalantad ang kanyang kahangalan.

Ang masamang sugo

ay lumilikha ng kaguluhan,

ngunit ang mapagkakatiwalaang sugo

ay nagpapabuti ng ugnayan.

Ang taong ayaw tumanggap ng pangaral

ay daranas ng kahirapan at kahihiyan,

ngunit ang tumatanggap nito

ay pararangalan.

Ang pangarap na natupad

ay nagdudulot ng ligaya;

subalit ang taong hangal

ay hindi tumitigil sa paggawa ng masama.

Kapag ang lagi mong kasama

ay isang taong marunong,

magiging marunong ka rin,

ngunit kapag hangal

ang lagi mong kasama

ay mapapahamak ka.

Ang kapahamakan ay darating

sa mga makasalanan

saanman sila magpunta,

ngunit ang mga matuwid

ay gagantimpalaan

ng mabubuting bagay.

Ang kayamanan ng mabuting tao

ay mamanahin ng kanyang mga apo,

ngunit ang kayamanan ng makasalanan

ay mapupunta sa matutuwid.Job 27:17

Umani man ng sagana ang lupain ng mahihirap,

hindi rin sila makikinabang dito

dahil sa hindi makatuwirang

patakaran ng iba.

Ang mapagmahal na magulang

ay nagdidisiplina ng kanyang anak.

Sapagkat kung mahal mo ang iyong anak

itutuwid mo ang kanyang ugali.Pro 23:13

Ang taong matuwid

ay makakakain ng sapat,

ngunit ang masasamâ

ay magugutom.Isa 65:13