Dan Daniel, kabanata Ang Aklat ni Daniel, kabanata 10
Ngunit hindi ako nakarating agad dito dahil sa loob ng dalawampuʼt isang araw ay hinadlangan ako ng pinuno10:13 pinuno: Ang tinutukoy dito ay isang masamang anghel na nagbabantay o tumutulong sa kaharian ng Persia. ng kaharian ng Persia. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Miguel na pinuno ng mga anghel dahil ako lang ang nakikipaglaban sa pinuno ng Persia. Narito ako ngayon upang ipaliwanag sa iyo kung ano ang mangyayari sa iyong mga kababayang Israelita sa hinaharap, dahil ang iyong pangitain ay tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap.”
Habang nagsasalita siya sa akin, napayuko na lang ako at hindi nakapagsalita. Hinipo ako sa bibig nitong parang tao, at nakapagsalita akong muli. Sinabi ko sa kanya na nakatayo sa aking harapan, “Ginoo, nabagabag po ako at nawalan ng lakas dahil sa pangitaing nakita ko. Paano ako makikipag-usap sa inyo gayong wala na akong lakas at halos hindi na ako makahinga?”
Kaya muli niya akong hinipo at bumalik ang aking lakas. Sinabi niya sa akin, “Ikaw na mahal ng Diyos, huwag kang matakot o mag-alala. Magpakalakas at magpakatatag ka.” Nang masabi niya ito sa akin, muli akong lumakas. Sinabi ko sa kanya, “Ituloy po ninyo ang pagsasalita, dahil pinalakas nʼyo na ako.” Sumagot siya, “Kinakailangang bumalik ako sa pakikipaglaban sa pinuno ng Persia. Pagkatapos, darating naman ang pinuno10:20 pinuno: Ang tinutukoy dito ay isang masamang anghel na nagbabantay o tumutulong sa kaharian ng Gresya. ng Gresya. Ngunit alam mo ba kung bakit ako pumarito sa iyo? Naparito ako upang ipaliwanag sa iyo ang nakasulat sa Aklat ng Katotohanan. (Sa aking pakikipaglaban, walang ibang tumulong sa akin kundi si Miguel lamang, ang pinuno10:21 pinuno: Ang tinutukoy dito ay isang mabuting anghel na nagbabantay o tumutulong sa kaharian ng Israel. ng Israel.)