EphEf Mga Taga-EfesoEfesini, kabanatacapitolo Ang Sulat ni Pablo sa mga Taga-EfesoLettera agli Efesini, kabanatacapitolo 4

Traduzioni

Ngunit binigyan ang bawat isa sa atin ng kaloob ayon sa nais ibigay ni Kristo. Tulad ng sinasabi sa Kasulatan:

“Nang umakyat siya sa langit,

marami siyang dinalang bihag

at binigyan niya ng mga kaloob ang mga tao.”4:8 Salmo 68:18.

(Ngayon, ano ang kahulugan ng, “Umakyat siya sa langit”? Ang ibig sabihin nito ay bumaba muna siya rito sa lupa. At siya na bumaba rito sa lupa ang siya ring umakyat sa kataas-taasang langit para maging lubos ang kapangyarihan niya sa lahat ng bagay.) Ang ibaʼy ginawa niyang apostol, ang ibaʼy propeta, ang ibaʼy mangangaral ng Magandang Balita, at ang iba naman ay pastor at guro. Ginawa niya ito para ihanda sa paglilingkod ang mga hinirang, at sa gayoʼy lumago at maging matatag tayo bilang katawan ni Kristo. Sa ganitong paraan, maaabot nating lahat ang pagkakaisa sa pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at ganap na lalago sa espirituwal nating pamumuhay hanggang maging katulad tayo ni Kristo.