Psa Mga Salmo, salmo Mga Salmo, salmo 25
Awit na isinulat ni David.
Panginoon kong Diyos, sa inyo,
akoʼy nananalangin.Psa 86:4
Sa inyo, o Diyos, akoʼy nagtitiwala.
Huwag nʼyo pong hayaan na mapahiya ako
at pagtawanan ng aking mga kaaway
dahil sa aking pagkatalo.
Ang sinumang nagtitiwala sa inyo
ay hindi malalagay sa kahihiyan,
ngunit mapapahiya ang mga traydor.Psa 22:5
Ituro nʼyo sa akin, Panginoon,
ang tamang pamumuhay,
ang tuwid na daan na dapat kong lakaran.Psa 27:11
Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan,
dahil kayo ang Diyos na aking tagapagligtas.
Kayo ang lagi kong inaasahan.
Panginoon, alalahanin po ninyo ang inyong dakilang pag-ibig at kabutihan,
na inyong ipinakita mula pa noong una.Psa 103:17; Jer 33:11
Alalahanin ninyo ako Panginoon,
ayon sa inyong kabutihan at pag-ibig,
huwag ang mga kasalanan at pagsuway ko
mula pa noong aking pagkabata.Job 13:26
Mabuti at matuwid po kayo, Panginoon,
kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan
ang mga makasalanan.Deu 32:4
Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba upang gumawa ng tama.
Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan.
Lahat ng ginagawa nʼyo
ay nagpapakita ng inyong pag-ibig
at katapatan sa mga sumusunod
sa inyong mga kautusan.Hos 14:9; Dan 4:37
Panginoon, alang-alang sa inyong pangalan,
patawarin nʼyo ako sa napakarami kong kasalanan.Psa 79:9
Ang sinumang may takot sa inyo, Panginoon,
ay turuan nʼyo po ng daan na dapat niyang lakaran.
Mabubuhay sila nang masagana,
at ang kanilang lahi ay patuloy na maninirahan
sa lupaing ipinangako ng Diyos.Isa 60:21
Malapít ang Panginoonsa mga taong
may takot sa kanya,
at itinuturo niya sa kanila ang kanyang kasunduan.Deu 29:29; Luk 8:10
Palagi akong umaasa sa inyo, Panginoon,
dahil kayo ang palaging nagliligtas sa akin
sa kapahamakan.Job 16:20; Psa 121:1
Lingunin nʼyo po ako at inyong kahabagan,
dahil akoʼy nag-iisa at naghihirap.
Lalong lumalala ang bigat sa aking kalooban.
Hanguin nʼyo po ako sa aking mga kalungkutan.2Sa 22:7; Lam 1:20
Tingnan nʼyo ang dinaranas kong mga kahirapan,
at patawarin nʼyo ang lahat kong kasalanan.
Tingnan nʼyo kung gaano karami
ang aking mga kaaway
at kung gaano katindi
ang galit nila sa akin.Jhn 15:25
Iligtas nʼyo ako,
at ingatan ang aking buhay!
Nanganganlong ako sa inyo;
huwag nʼyong hayaan na mapahiya ako.
Iligtas nawa ako ng pamumuhay ko nang matuwid
at walang kapintasan,
sapagkat sa inyo ako umaasa.
O Diyos, palayain nʼyo po ang Israel sa lahat ng hirap
na kanilang pinapasan.