Pro Mga KawikaanPřísloví, kabanatakapitola Mga KawikaanKniha přísloví, kabanatakapitola 25

Překlady

Iba pang mga Kawikaan ni Solomon

Narito pa ang ilang kawikaan ni Solomon na kinopya ng mga tauhan ni Haring Ezequias ng Juda.

Karangalan ng Diyos

na ilihim ang isang bagay,

at karangalan naman ng hari

na tuklasin ang isang bagay.Deu 29:29; Rom 11:33

Kung gaano kataas ang langit

at kalalim ang lupa,

ganoon din ang puso ng hari

na hindi kayang saliksikin.Pro 20:5

Ang dumi sa pilak ay tanggalin

upang ang panday

ay magawa itong gamitin.

Kailangang alisin ang masasamang

tauhan ng hari

upang magpatuloy ang katuwiran

sa kanyang kaharian.Pro 20:8

Kung nasa harapan ka ng hari,

huwag mong ipagyabang ang iyong sarili

o di kayaʼy ilugar ang sarili

sa mga dakilang nanunungkulan.

Mas mabuti kung siya ang magsabi,

“Halika dito sa aking tabi,”

kaysa ipahiya ka sa harap

ng mga maharlika.Luk 14:9

Huwag kang magpabigla-biglang magsabi

sa korte ng iyong nakita.

Kung mapatunayan ng isang saksi na mali ka,

ano na lang ang gagawin mo?

Kung may alitan kayo ng iyong kapwa,

itoʼy inyong pag-usapan muna.

At ang lihim ng bawat isa

ay huwag sasabihin sa iba.

Baka makarating sa kaalaman ng madla

at kayoʼy maging kahiya-hiya.

Kapag ang salitang binigkas

ay angkop sa pagkakataon,

itoʼy parang gintong mansanas

na nakalagay sa isang lalagyang pilak.

Tulad ng gintong hikaw

o mamahaling hiyas na ginto

ang pagsaway ng matalino

sa nakikinig na tao.

Ang mapagkakatiwalaang sugo

ay nagbibigay ng kasiyahan

sa kanyang pinaglilingkuran,

tulad ng malamig na tubig

sa panahon ng tag-init.

Ang taong hindi tumutupad

sa kanyang pangako

ay parang ulap at hangin

na walang dalang ulan.Jas 2:16

Ang mapagpasensya

at ang mahinahon magsalita

ay makapanghihikayat ng mga pinuno

at kahit na ng may matitigas na puso.Pro 15:1

Huwag kang kakain ng labis na pulot

at baka magsuka ka.Pro 24:13

Huwag kang dadalaw ng madalas sa iyong kapitbahay,

baka magalit siya at sa iyo ay magsawa.

Ang taong sumasaksi

sa kasinungalingan laban

sa kanyang kapwa

ay nakakapinsala tulad ng espada,

pamalo at pana.Psa 59:7

Ang pagtitiwala sa taong

hindi mapagkakatiwalaan

sa oras ng pangangailangan

ay walang kuwenta

tulad ng paang pilay o ngiping umuuga.

Kung aawitan mo ng masasayang

himig ang taong labis ang hinagpis,

para mong binuhusan

ng suka ang kanyang sugat,

o di kayaʼy inalisan siya

ng balabal sa taglamig.

Kapag nagugutom ang iyong kaaway,

pakainin mo;

kapag nauuhaw,

painumin mo.

Kapag ginawa mo ito

mahihiya siya sa iyo

at ang Panginoon

ang magpapala sa iyo.Rom 12:20; 1Sa 24:19

Kung paanong ang hanging habagat

ay nagdadala ng ulan,

nagdadala naman ng galit

ang naninira ng kapwa.

Mas mabuting tumira nang mag-isa

sa bubungan ng bahay25:24 Tingnan ang talababa ng 21:9.

kaysa sa loob ng bahay na kasama

ang asawang palaaway.Pro 21:9

Ang magandang balita

mula sa malayong lugar

ay parang malamig na tubig

sa taong nauuhaw.Pro 15:30

Ang matuwid na umaayon

sa gawain ng masamang tao

ay parang maruming balon

at malabong bukal.

Kung paanong masama

ang pagkain ng labis na pulot,

ganoon din ang paghahangad

ng sariling kapurihan.Pro 25:16; Rom 12:3

Ang taong walang pagpipigil sa sarili

ay tulad ng isang bayan

na nasira ang pader.